WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter seven
⇉ peaceful and chaotic
N A H A T A D E L A I D E I N
"Good evening, your highness," Ang bati sa akin ni Walter pagkatapos kong sagutin ang tawag nito sa akin.
Messenger call lang naman, hindi ito video call pero panis, hindi ko namalayan na nakahiga na ulit akong nakangiti; nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang pinapakinggan ang boses ni Walter.
Kanina kasi ay naglalayag ang utak ko sa kung saang lupalop ng mundo. Umiikto lang sa kumuha ng card ni Aizen, sa pamamalakad ng underworld society at sa sarili ko mismo kung bakit sobrang pogi kong nilalang.
Pogi nga, gulo na naman ng buhay.
"Jass?" Muling sambit ni Walter sa pangalan ko kaya tumikhim ako ng mahina bago sumagot.
Tignan mo na, nalutang na naman ako tapos hindi ko namalayan.
Napangisi ako sa kaloob-looban ko tsaka ako nagsalita.
"Yes? Miss me?" Malokong sagot ko na animong magkaharap kaming dalawa.
Hindi naman sa nababanas ako, pero bakit hindi nakakapagod ngumiti pag kausap ko ang taong 'to? Nagkita naman kami no'ng isang araw, ah? Pakiramdam ko para akong 16 years old na kausap ang crush niya.
Pero gagstok, si Walter ang first crush at boyfriend ko. Boyfriend ang Inang 'yan, medyo nakakailang isipin pero ang cool naman pagmagkasama kami.
At dahil dito, pumasok sa utak ko ang naganap no'ng isang araw. Napailing na lang ako dahil tuwing maalala ko ay para pa ring piniprito sa init ang mukha ko.
Ewan ko ba, ano kayang ginawa ni Walter, 'no? At talagang ngayon ko pa 'to naisip, ah?
Gamit ang libreng kamay ko, tinakpan ko ang kalahati ng mukha ko. Ang isa kasing kamay ko ay hawak ang phone na nasa tainga ko.
"S-Shut it," Tumikhim ito. "I suddenly felt like I needed to call you, are you home?" Dagdag ni Walter.
Natawa ako. Mahina pero nandoon ang gaan sa boses ko.
Nakasuot si Walter ng baby pink na hoodie, 'yong eyes glasses niyang suot-suot din niya dati. Mukha lang ni Walter ang nakikita ko dahil madilim ang kwarto niya. Mukhang na sa kama si Walter, nakasandal ito sa headboard ng kama niya habang nanonood ng kung ano dahil sa light na galing sa palagay ko, galing sa television sa harap ng kama niya.
"Yes, my love. I'm home. Wala ka bang ginagawa ngayon? Teka, anong araw ba ngayon?" Naitanong ko sa hangin na sinagot naman ni Walter na nasa kabilang linya.
"I'm currently watching a movie. I have my popcorn and cold drinks with me. And today's Saturday, your highness."
Napaisip naman ako.
"Saturday?" tanong ko. "Oh, okay. Ano bang pinapanood mo? English movies?"
"Yes, have you heard of Narnia?"
"Wala, eh. Puro ako anime kaya hindi ko alam ang tungkol diyan. Ano bang meron sa movie na 'yan? Patayan ba?" Sunod-sunod na sagot ko na sa palagay ko, naging dahilan pa ng pagkamasid ni Walter sa kabilang linya.
". . M- Murder? Of course, not! The movie is nice, your highness. It talks about amazing adventures and this strong lion named Aslan. He's like a king, a powerful, respected, and kind of all kind king." Mahabang sagot sa akin ni Walter na nagpangiti lang sa akin.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
De Todo❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
