A Broken Soul Will Never Bleed Unless It Is Healed

208 4 0
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter sixteen
⇉ underworld society arc

Pasado Alas Nwebe na ng gabi nang magising si Jass. Isang buong araw itong tulog. Wala siyang kasama sa kaniyang silid maliban kay Green na natutulog sa sofa para bantayan si Jass.

Si Achexen ay sa kaniyang sariling kwarto. Gano'n din si Walter na siyang si Sky at Cloud ang kasama. Si Blacksin ay nandon sa silid ni Achexen, habang ang ibang member ng Anonymous Gang ay bumalik sa White Lotus para kunin ang gamit nila.

Sa buong pananatili nila sa Laczjar ay wala silang nakalap na impormasyon tungkol sa card ni Aizen. Lahat ng nalalaman nila ay may kaugnayan lahat kay Jass na siya ring dahilan bakit sa ibang bagay nabaling ang atensyon nila.

Nang buksan ni Jass ang kaniyang mata, bumati agad sa paningin niya ang pamilyar na kisame. Dahan-dahang nag-adjust ang mata ni Jass at umayos ito ng upo. Doon napagtanto ni Jass ang lugar na kinaruruonan niya.

Pinakiramdaman ni Jass ang sarili niya pero wala namang mali rito. Ang tanging bago lang sa kaniya ay ang benda sa kaniyang kamao at napapanakit ng kaniyang likod.

Wala ring nakakabit na IV, normal ang lahat na para bang hotel itong kinalalagyan niya. Kung hindi lang kilala ni Jass ang silid na ito, aakalain ni Jass na patay na siya.

Dahil dito, bumaba si Jass sa kaniyang kama at nagtungo sa table para kumuha ng bottled water. Binuksan niya ito at ininom. Naka-suot pa rin si Jass ng hospital gown, literal na mukha siyang patay dahil puti ito.

Pagkatapos uminom ni Jass ng tubig ay lumapit naman ito kay Green. Ang sofa kasi ay hindi 'yong mahaba, single lang ito kaya nakatungo si Green habang natutulog.

Gusto itong gisingin ni Jass para sabihan na puwede na ito bumalik sa White Lotus dahil gising na rin naman si Jass, hindi na kailangan magbantay.

"Green," mahinang tawag ni Jass sa pangalan ni Green na may halong mahinang yugyog sa balikat nito.

"Green,"

"Green?"

Walang sumasagot.

Agad hinanap ni Jass ang pulso ni Green pero stable naman ito. Doon napunta ang tingin ni Jass sa batok ni Green. Napaatras si Jass ng wala sa oras sa nakita niya.

To suddenly see it knowing that Jass is the only one that manipulates it unless—

"What took you so long to notice my presence, child?" Ang boses na dahilan kung bakit napatalon sa gulat si Jass sabay lingon sa pintuan ng balcony ng kwarto niya.

Nasa second floor kasi ang kwarto nilang lahat. Dito rin ang palaging room ni Jass noon tuwing injured siya sa ganap sa Arena. Si Achexen din palagi ang nagdadala kay Jass sa lugar na ito.

Dahil sa boses na 'yon, hindi makapaniwalang natawa si Jass sa taong nasa kaniyang silid. Ang hindi ineexpect na makita ni Jass sa lugar na ito, ang taong nagpapakita lang sa mga gusto niyang kitilan ng buhay. Nag-iisa, The Holy Seraphiel of Black Market.

With her golden mask, and dark red dress with touch of silver accessories around her wrist and neck. Those white long silky hair, red wine sharp long nails and sweet as heaven scent.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon