CHAPTER SIX

683 37 10
                                    

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·.. chapter eleven
⇉ to underworld s.
6/7

N A H A T A D E L A I D E I N

"N-Nahat?" Gulat na sambit ni Aizen sa pangalan ko pagkatapos ko itong tawagin.

Pagkatapos marinig ni Aizen ang boses ko, dahan-dahan niya akong hinarap kasabay ay ang pagkamatay ng tawag na kanina ay inaasikaso niya.

Bahagya pa akong natawa dahil sa gulat na expression ni Aizen na may halong kaba. Maski ako, hindi ko rin kayang ipaliwanag ang saktong salita para ilarawan ang reaksyon ni Aizen.

Pinuntahan ko kasi talaga ito para makita at malaman kung bakit parang hindi mapakali si Aizen at ito ang inabutan ko. Napakawirdong reaksyon para sa taong bangag at always na lutang, wala rin siyang kasama kahit ang butler man lang niya.

"Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo," nakangiting tanong ko kay Aizen tsaka sumandal sa puting limousine na nasa likod ko lang.

Isa ito sa pagmamay-ari ng mga Roosevelt pero hindi ko alam kung kanino saktong nakapangalan ang sasakyan na 'to. Sa dami ng sasakyan na mayroon dito sa parking building nila, dalawa lang ang akin dito. Si Midnight at ang birthday gift sa akin ng Suzerain na hindi ko pa nagagamit.

Lumunok pa si Aizen ng dalawang beses bago ito tuluyang bumalik sa normal ang kaniyang akto sa akin.

Seryoso, hindi ko maintindihan ang taong ito. Maliban sa palaging halata ang pagiging sabog ni Aizen, parang ang lungkot ng buhay niya na ewan kaya interesting masyado. Si Jewel kasi ay literal na masama ang ugali, si Sahran naman ay tahimik pero lowkey may humanity pero itong si Aizen, para siyang normal na tao lang din. Nakasabit ang posisyon at tungkulin sa balikat nito pero ang kaluluwa ni Aizen ay hindi sumasang-ayon sa dugong mayroon siya.

O baka naman ako lang ang nakakapansin diyan? Nevermind.

"Y-yeah, I'm fine. I'm sorr—" At nakangiting tinaas ko ang kanang kamay ko sa hangin para pigilan ang sasabihin ni Aizen sa akin.

"Talagang bentang-benta ang paghingi mo ng tawad sa akin, no? Ano bang ginagawa mo sa lugar na 'to sa ganitong oras? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na?" Sunod-sunod na tanong ko.

Umiwas sa akin ng tingin si Aizen na pinagtaka ko.

Minsan talaga napapaisip ako kung long lost brother silang dalawa ni Walter sa side nilang ganito. Gusto kong matawa sa kadahilanang 'to pero mas pinili kong manahimik na lang.

Nagpakawala ng buntong hininga si Aizen. "I was talking to a friend earlier. I was just feeling the fresh air. You know, about my mom and twin younger sister?" Sagot sa akin ni Aizen na agad kong nakuha ang nais niyang iparating.

Of course, ang sinasabi ni Aizen ay tungkol sa nanay at kapatid niyang mas pipiliing wakasan ang buhay ni Aizen kaysa sa reputasyon nilang dalawa.

Napailing ako.

Ibang klase talaga ang takbo ng utak ng mga taong kagaya nila.

"Since nasabi mo ang tungkol sa ermats at kapatid mo, hindi ba't tungkol 'yon sa card mo na nawawala?" Muling tanong ko dahilan upang bumalik ang tingin ni Aizen sa akin.

Sobrang liwanag ng parking building ngayon at walang katao-tao maliban sa aming dalawa ni Aizen. Wala ring lamok sa kinatatayuan namin. Hindi lang 'yon, dama ko rin ang hangin na sobrang presko sa pakiramdam na galing sa bawat bintana ng building.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon