Maybe, In My Past Life I Was Happy

427 30 13
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter fourteen
⇉ underworld society arc

N A H A T A D E L A I D E I N

Pagsapit ng umaga, wala kaming ginawa kundi maglaro ng board games, card games at matulog na rin. Walang open na store sa umaga kaya puro de lata ang kinain namin. Walang tao sa labas, maski ang laman ng tinutuluyan namin ay natutulog lahat ang tao. Kami na lang itonv gising kaya kahit anong intense ng laro ay hindi kami makapag-ingay.

Gano'n lang ang ganap sa umaga. Tinuturuan din ng AG si Aizen maglaro ng UNO at Tong-its. Tuwang-tuwa naman ang Royal Blood na first time maglaro ng baraha.

Tungkol sa nangyari kagabi, walang alam ang AG. Mabuti na lang at hindi AG ang tinawag ni Walter kagabi kundi alam ko talagang ibabalik nila ako sa NeverNight at pa-hospital. Malaki ang takot nila pag sa gano'n na sitwasyon ako, lalo na si Green dahil may trauma siya sa panic attacks.

Ayos naman na ako, gumising akong normal. Si Walter ang bumungad sa akin na nakatitig sa mukha ko kaya muntikan ko siyang masapak. Pinaghanda na rin ako ni Walter. Literal na inaalagaan niya ako ng sobra na akala mo ay baldado akong tao. Hinayaan ko na lang siya. Ayan ang coping mechanism sa guilt na nararamdaman niya sa nangyari kagabi.

Hay, hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawa niya.

Tinignan ko ang oras sa wristwatch na suot ko at 10 pm na naman ng gabi. Maingay na naman sa labas at buhay na buhay ang paligid. Plano ulit naming lumabas ngayon para magtanong sa kung sino tungkol sa card ni Aizen. Kaya ito kaming lahat, palabas na sa tinutuluyan namin.

"Saan tayo unang pupunta, men?" Tanong sa akin ni Achexen.

Naka-suot si Achexen ng white na t-shirt na fitted, pinatungan niya ng black na leather jacket at faded blue na jeans na ripped. May suot siyang white na cap tas white na rubber shoes.

"Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ko.

Ang AG ay lumingon kay Jin, si Jin ay lumingon kay Achexen at si Achexen ay sa akin nakatingin. Napailing na lang ako.

"I guess we can just check where people mostly go." Suggestion ni Jin.

Si Aizen, nilingon ko siya. "Ikaw? Okay lang ba sa 'yo?" Tanong ko.

Nahihiya pa si Aizen sa akin na tumango, ". . Y-Yes, Jass." At hindi pa rin siya sanay tawagin ako sa pangalan na kinalakihan ko.

Tumango naman ako at niyaya na sila. Nagsimula kaming magtungo sa daan patungo sa gate pero lahat ng nakakasalamuha naming tao ay iba ang direksyon na pinupuntahan. Lahat sila ay patungo sa loob at ang iba ay nagmamadali pa. Nagtaka ako kaya hindi na ako naka-tiis na magtanong.

"Boss, may fiesta ba?" Tanong ko sa lalaking saktong dadaan sana sa harap ko.

Nag-stop naman ito at sinagot ang tanong ko. "Oo, may malaking laban sa Arena." At umalis siya agad dahil nagsisitakbuhan na ang mga tao.

"Paano 'yan, mukhang walang matitira sa labas kundi tayo lang." Sabi ni Sky.

Nag-agree na rin si Green. "Feel ko rin, Head. What if sa Arena na lang tayo dumeretso?"

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon