WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.-
'·..➭ chapter nine
⇉ peaceful and chaoticN A H A T A D E L A I D E I N
"Welcome to sunshine's station, our dear costumers!" Bati agad sa amin ng dalawang sales lady sa entrance ng store kung saan nakapaskil sa entrance nito ang "Sunshine Station".
Nagtanong kasi kami kanina sa taas kung bakit hindi namin makita ang mga damit ng mga bata na nasa edad ni Talia. 'Yon pala, nilipat nila sa labas kaya ito kami ngayong tatlo. Nakatayo kami sa entrance. Katabi ko si Walter na buhat-buhat pa rin ang makulit na si Talia.
Ngumiti lang ako sa dalawang Saleslady na nasa tabi ng dalawang security men. "Thank you," yumuko naman sila sa amin kaya pumasok na kami sa loob.
"Wow, they're both collected." Namamanghang sabi ni Talia.
"Yes, they are." Sagot naman ito ni Walter.
Hindi na ako nag-abala pang makisawsaw sa usapan nilang dalawa dahil pagdating namin sa loob, bigla na lang akong napatanga sa lawak at dami ng paninda nila.
Dahan-dahan kong ginala sa loob ang mata ko. Taena, seryoso ba 'to? Sa dami ng gamit sa loob, hindi ko alam kung anong uunahin at kukunin ko kay Talia.
Hindi lang 'yon, close kaming dalawa ni Yuki pero hindi kami nakapag-bonding sa ganitong paraan. Itong ganito? Shopping?
Anak ng tokwa.
"What's wrong, your highness?" Tanong ni Walter tsaka tumabi sa akin.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon na mayroon ako ngayon. Kung sapakan lang siguro 'to, baka kuminang pa ang mata ko sa dami ng lalatain kong mukha pero hindi talaga, eh!
Ayaw tanggapin ng pagkatao ko na sa baby shopping pa ako mag-pa-panic maliban kay Walter o sa kay Yuki.
Lumunok ako. "May alam ka ba sa ganito, Water?" Tukoy ko sa shopping ng mga bata na agad nakuha ni Walter.
Hindi umimik si Walter na nagsisilbing source ng pag-asa ko sa ngayon.
Ending, tumango ako at huminga ng malalim.
May ngiti sa labi ko. May ngiti na ang dating, wala kaming matatapos kung walang tutulong sa amin.
Inang 'yan, kaya ekis sa teenage pregnancy, eh. Ta mo, pati pamimili ng damit o gamit ng bata puwede mo pang ika-panic.
". . W-We're done, your highness." Utal niyang sagot sa akin.
Dahil dito, natawa ako ng mahina dahil sa sobrang awkward.
Wala kaming problema sa pera, ang problema namin ay ano ang kukunin namin kay Talia at sa pamilya niya.
Paano na ba 'to?
Mukhang hindi rin sila nag-a-assist ng costumer dito.
Kamot batok na lang akong nilabas ang phone ko at hinanap ang numiro ni Terri.

BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
De Todo❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...