CHAPTER FOUR

692 40 10
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

'·..➭ chapter seven
to underworld s.

N A H A T A D E L A I D E I N

"Good evening, Your Highness." Biglang bati sa akin ng pamilyar na boses habang naka-ngisi, hawak nito ang phone nitong nasa kaniyang tainga na animong may tinatawagan.

May tinatawagan talaga ito.

Dahil sa pagbati nito sa akin ng hindi ko inaasahan, hindi ko mapigilang makaramdam ng pagtataka kaysa sa gulat.

Anak ng...

Una ay ang BlackJack ang sumakay kay Midnight na hindi ko man lang naramdaman tapos ngayon, itong kapatid na naman ni Rocaine?!

Gano'n na ba kalalim ang pag-iisip ko sa usapan kanina na sinawsawan ko ng konti para hindi ko man lang nahatalang sumakay na ito sa sasakyan ko?

Grabe ka na talaga, 2022. Masyado ka nang delikado at ayoko na itong maulit kaya bago ko pa mabulyawan ang kapatid ni Rocaine na naka-ngiti sa akin, I mean— may mapaglarong ngiti sa labi nito ay nagsalita na ako para tanungin ito.

"Elis, anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko, hindi rin ako sigurado kung tama ang pangalan na sinabi ko pero hindi na 'yon mahalaga.

Pagkatapos kong magtanong, hininto ko ang sasakyan ko sa gilid, sa mismong tapat ng gate ng isang napakagandang bahay na halatang pagmamay-ari ng mga nobles.

Well, hindi pa rin naman kami lumalagpas sa sinful bridge, ni-hindi pa nga ako nakakadaan sa entrance ng Black Market, eh.

Ah, dahil sa black market ay pumasok sa utak ko si Luck na hindi ko na nakita simula nang tumira ako sa palasyo ng mga Roosevelt.

Pagkatapos kong ihinto ang sasakyan ko, hindi pa rin ako sinagot ni Elis na sa palagay ko ay pinagtaka ko dahil ang mga royal blood ay dapat inuuna, kahit gaano pa man kaimportante ang ginagawa ng mga mababang tao kaysa sa kanila.

"What do you want, Elias?! We are currently busy right now!" Rinig kong bulyaw ng nasa kabilang linya, si Rocaine dahilan upang tumaas ang kilay ko at napatikhim dahil mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit mainit ang ulo nito.

Pero Elias? Elias pala ang tamang pangalan ng taong ito?

"I'm with her highness, Nahat Adelaidein, Lady Rocain—!" At hindi natapos ni Elias ang sasabihin nito pagkatapos sumapaw ang boses ni Rocaine.

"What?! Are you trying to imply that her highness is out again without telling us?!"

Huminga ang kapatid ni Rocaine ng malalim dahil sa sigaw ni Rocaine kaya ako, habang hinihintay silang matapos magsalita, nilabas ko ang phone ko at agad pinadalhan ng mensahe si JinLing na dadating ako sa hideout, gusto kong kompleto na ang gang bago ako dumating dahil syempre, ang dahilan kung bakit ako lumabas ay may sasabihin ako sa kanila.

"Yes. I'm ending this call, Lady Rocaine. Have a good night." Rinig kong sagot nito kaya inalis ko ang tingin ko sa telepono ko at hinarap ang kapatid ni Rocaine.

Binalik ko na rin sa bulsa ko ang phone ko, pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa top ng manibela at naka-side na hinarap ang kapatid ni Rocaine para tanungin ito muli pero-- naunahan ako nito magsalita kaya tumaas ang kilay ko sa pag-address nito sa akin.

"What was your question again, My Queen?" Nakangiti nitong tanong sa akin, animong kumikislap pa ang mata nito habang tinatanong ako.

My Queen, huh?

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon