WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
—
'·..➭ chapter one
⇉ who's who?
N A H A T A D E L A I D E I N
[ Ano ba, Jass? Kanina ka pa namin hinihintay dito. Nasaan ka na ba? ] Ani ng boses sa kabilang linya na animong banas na banas na dahil late na naman ako sa lakad namin ngayon.
Ngumiwi ako tsaka tumawa ng mahina kay Achexen.
"Pasensya ka na, men. May epal kasing hindi marunong makunsensya, 'eh. Pinangaralan ko lang. Nandiyan na ba kayo?" Sagot ko.
Rinig ko naman ang buntong hininga nito sa kabilang linya.
[ Oo, nandito na kaming lahat. Sabihin mo sa akin ang location mo ngayon din. Bilis! ] Utos sa akin ni Achexen na kinahalakhak ko.
"Nasa maliit akong esquenita malapit sa likod ng Jollibee. Okay na? Patayin ko na ang tawag, ha? Pasabi na lang sa kanila medyo malelate ako." Sabi ko na lang.
[ Sige, bilisan mo na lang. ] Muling sagot sa akin ni Achexen kaya pinatay ko na ang tawag.
Pagbaba ko sa linya, bumalik ang seryosong expression sa mukha ko bago ako bumaba sa motor ko at nilapitan ang matandang hindi pa rin nakakatayo mula sa lakas ng pagkakatulak ng lalaking inagaw ang kaniyang bag.
"Ayos lang po kayo? Tayo na po tayo, Lola." Nakangiting marahan ang boses na sabi ko sabay alok ng kamay para patayuin ito.
Hindi naman ako nabigo dahil tinanggap naman nito ang inalok kong kamay kaya mabilis ko siyang tinayo at chineck kung may sugat ba ang Lola sa katawan ngunit wala naman akong nakita.
". . A-ayos lang ako, apo. Maraming salamat sa pagtulong sa akin per--"
Ngumiti ako para hindi ito matuloy sa nais niyang sabihin.
"Babalik ako pagkatapos kong bawiin ang bag niyo." Sinabi ko na lang 'tsaka ako nagsimulang tumalikod sa Lola at seryosong nilapitan ang lalaking namimilipit sa sakit sa kinahihigaan niya.
"Akin na." Matigas kong utos habang nakalahad ang kamay ko sa hindi ko makita ang mukhang tao na nasa harap ko.
Nasa daan na sana ako patungo sa pakay ko ngunit hindi ko magawang lihisan ng tingin ang isang lola na kitang-kita ko kung paano hablutan ng kung sino.
Pakiramdam ko talaga kanina ay biglang sinindihan ang kandila ng galit ko kaya bigla kong niliko ang motor ko at walang pasabing binangga ang taong nagawang itulak ang Lola para kunin ang bag nito.
I mean, matanda na masyado itong Lola pero nagawa pa ring hablutan ng bag. Common sense na lang, ano rin makukuha sa bag niya? Gamot?
"Haha! Hindi mo ito makukuha! Akin na 'to! Sa amin na it-- ugh!"
Nangunot ang noo ko sa tawa niya kaya agad kong tinadyakan ang mukha nito.
Huminga ako ng malalim at hinawi ko pataas ang buhok ko dahil hindi ako nakapagtali kanina sa sobrang pagmamadali kong tumakas.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
De Todo❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
