CHAPTER FIVE

661 55 9
                                    

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter five
to underworld s.

N A H A T A D E L A I D E I N

Pagtungtong na pagtungtong ko sa mismong pinto ng hideout namin ay bumungad sa akin ang mga nagkalat na bote ng alak na wala nang laman marahil naubos na ito ng mga nilalang nasa loob.

Nangunot ang noo ko bago ko tuluyang ilibot ang paningin ko sa hindi ko nakitang hideout sa loob ng ilang buwan. Patay ang ilaw sa loob at tangin ang TV lang ang nagsisilbing paningin para maaninag ang kabuo-an ng hideout.

Sobrang gulo, napakagulo ng nasa loob na animong dinaan ito ng bagyo. Maraming kalat, mga balat ng pagkain; junk food sa lapag at iba pang gamit na hindi dapat nakikita sa kinalalagyan nito ngayon.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Hindi ko alam kung anong klasing reaksyon ang dapat kong ilabas sa nakikita ko ngayon. Ultimong pagdating ko sa mismong harap ng pintuan ay hindi nila napansin dahil sa malakas na musika, boses ni Green na kumakanta. Sinasabayan ni Sky ito na natatawa pa sa boses ni Green na pilit na pilit, halatang sawi sa kung anong bagay na hindi ko rin mahulaan.

Gaya ng normal, nasa sofa silang lahat habang nakaharap sa screen ng tv sa hideout. Si Jinling ay nakangiting tahimik na umiinom sa tabi ni Cloud na walang pakialam sa nagaganap. Si Cole at Sin ay walang bago, nag tatalo na naman ito dahil lang sa isang butil ng chips na binigay ni Sky kanina.

At ayun, ang pinakamaingay at magulo, si Sky na second voice ni Green.

Ano bang nangyayari rito?

"... Although it hurts
I'll be the first to say that I was wrong
Oh, I know I'm probably much too late
To try and apologize for my mistakes
But I just want you to know

... I hope he buys you flowers
I hope he holds your hand
Give you all his hours
When he has the chance
Take you to every party
'Cause I remember how much you loved to dance
Do all the things I should have done
When I was your man
Do all the things I should have done
When I was your man.."

Huling kanta ni Green bago ito kusang umupo sa tabi ni JinLing, kaya si Jinling ay napapagitnaan ni Green at Cloud.

Hindi ko alam ang nagaganap ngayon pero sa dating ng pagkanta ni Green ay isa lang ang masasabi ko.

Ayun ay tunog broken ang lokong 'to hindi inaasahan na makikita ko kung sakaling tama ang iniisip ko.

Well, broken? Himala. Masyadong himala na ayokong paniwalaan.

Bumalik lang ako sa reyalidad pagkatapos kong marinig ang boses ni Sky pagkatapos kumanta ni Green.

"Tol, ayos lang 'yan. Babae lang 'yan. Uminom na lang tayo." Dinig kong sabi ni Sky sa microphone habang tinatapik ang likod ni Green at umupo sa isang sofa pero sa tabi lang din ni Green.

Natatawa si Sky kaya sinita ito ni Jinling para tumigil na nagpataas sa kilay ko.

Edi tama nga ako? Itong nagaganap na ito ay dahil broken si Green? Sa anong paraan? Ang tagal na nila ng girlfriend niya, naghiwalay ba sila?

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon