WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter six
⇉ to underworld s.
"Your highness, His Majesty; The Suzerain wishes for your presence," Said by Atty. Anderson.
Iniangat ni Jass ang kaniyang tingin sa gawi ni Atty. Anderson pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Dahil dito, bago magsalita si Jass ay tinignan niya pa muna ang kaniyang wristwatch para i-check ang oras at alas nwebe na nga ng gabi.
Si Jass kasama ang tatlong lady-in-waiting niya ay parehas na nangunot ang noo dahil sa ganitong oras ay palaging nasa work ang Suzerain sa dami ng gawain nito gayun pa man, tumango si Jass at ngumiti ng tipid kay Atty. Anderson na presentable sa harap ni Jass na naka-upo sa dinning table, sa main.
"Saan daw ho?" Sagot ni Jass na kinangiwi ni Lady Rocaine na nasa likod ni Jass.
Hindi nakaligtas ang reaksyon na 'yon ni Lady Rocaine sa gilid ng mata ni Jass na dahilan ng pag lintaw ng mabilis na ngisi sa labi ni Jass.
Sa oras na 'to, nasa dining table si Jass kaharap ang kaniyang laptop, kape at snacks. Nag-titingin si Jass ng kung anong klaseng gamit sa shopee na may kinalaman sa Anime na kanina pa kinukuntan nang noo ng tatlo na parehas nakikitingin sa ginagawa ni Jass.
"In his Majesty's Office, your highness." Sagot ni Atty. Anderson kaya sinarado ni Jass ang laptop niya at tumayo sa kaniyang kina-uupuan. Kinuha na rin ni Terri ang laptop at si Elaine naman ay niligpit ang pinagkainan ni Jass.
"Salamat," pasalamat ni Jass sa tatay ni Terri at nagtungo na nga sa Office ng Suzerain kasama ang tatlo niyang lady-in-waiting.
—
N A H A T A D E L A I D E I N
Ang buhay ay parang life. Biro lang. Tinatamad na ako at gusto ko lang maghanap ng earrings ni Zoro sa shopee pero gusto akong makita ng Suzerain? Para saan naman? Sa pagkakaalala ko naman akong nilabag na batas sa ilang buwan, ah?
Minsan talaga ang wirdo ng working hour ng Suzerain. Ganitong alas nwebe kasi ay dapat nasa workplace pa niya ito pero himala at nasa taas na office niya lang? Oo, may office kasi sa taas, sa mismong kwarto niya kaya ito kaming tatlo, Rocaine, Terri at Elaine. Nasa loob kami ng elevator kasama si Atty. Anderson patungo sa office ng Suzerain.
Sa totoo lang, wala akong ginawa buong araw. Gusto kong lumabas pero si Rocaine ay bantay sarado niya ako. Pagkatapos siguro nitong sa Suzerain, pupuslit na ako. I mean, Friday kasi kaninang umaga at may pasok ang mga tropa ko maliban sa AG na homeschool naman ang ginagawa nila. Isa pa, mga college na sila maliban kay Cole at Sin na nasa highschool pa lang. Ewan ko ba, ayaw nilang mag aral sa mismong school dahil masyado raw matao. Ayaw nila sa gano'n kaya sa bahay na lang sila para tahimik at payapa.
Wala sa sariling napailing ako.
Ano naman kaya ang dahilan nito? Ang pagtawag kuno sa akin ng Suzerain. Nangangati rin akong tanungin ang Suzerain tungkol sa usapan namin dati pero mukhang busy na busy kaya sa susunod na lang. Ahay, buti nga't hindi ako tinawanan ng Suzerain sa kakaibang pananaw ko sa pagkamatay nila Ermats. Malinaw na sa akin na patay na silang dalawa pero 'yong sanhi ang hindi malinaw sa akin.
"Suzerain was waiting for you inside, your highness. Her highness' lady-in-waiting and I will then wait until her highness and his majesty have finished talking." Biglang wika ni Atty. Anderson pagkatapos bumakas ng elevator at dumating sa mismong tapat ng pinto kung saan ang nasa loob ay ang office ng Suzerain.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
Aléatoire❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
