WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.
-
'·..➭ chapter eight
⇉ peaceful and chaotic
N A H A T A D E L A I D E I N
Nagising ako na may ngiti sa labi—hindi 'yan totoo dahil hindi pa ako nasisiraan ng bungo.
Joke time sa umaga hatid sa inyo ng kagwapuhan ko, Jass-pogi the great.
Nagising lang ako ulit sa panibagong umaga para maging witness sa panibagong pahina ng taon. Kaya ito, alas otso pa lang ay nakabihis na ako.
Phews!
Para sa akin isa na 'tong himala kaya hindi nakakagulat na mukha akong pogi na nakangisi sa salamin, may suot na black shade na tinanggal din pagkatapos kong sumakay sa sasakyan, malayang buhok, white t-shirt sa loob, pinatungan ko ng army green na jacket pero hindi mainit suotin. Slacks na kulay itim at puting rubber shoes.
Settled.
Ayan lang naman ang suot ko sa ngayong araw. Nag-spray na ako sa pabango ko at dinampot ang wallet, car keys, at phone ko bago ako lumabas.
Plano kong puntahan si Walter ngayon, eh. Wala ito sa plano, seryoso. Gumising lang ako kanina tapos maya-maya habang na sa banyo ako ay biglang pumasok sa isip ko na sumulpot sa mukha ni Walter ngayon. Kaya ito, papunta na ako sa bahay ni Walter na wala akong sinasabi sa kaniya para mas exciting.
"Good morning, your highness," bati sa akin nina Rocaine, Terri at Elaine pagkatapos kong buksan ang pinto.
Ngumiti ako ng maayos dahil bukod sa good mood ako ngayon, hindi na naka-dress ang lady-in-waiting ko. Bagay na bagay talaga sa kanila dahil ang aangas nilang tignan
Syempre, full black na suit ang suot nila. Ang puti lang ay ang na sa loob. As usual, ang buhok ni Rocaine ay malinis na tinali, 'yong bride style na buhok? Malaking bilog sa likod tapos ang linis tignan? Gano'n ang style ng buhok ni Rocaine.
Ang style naman ng buhok ni Terri ay gaya pa rin ng dati. Mababa ang buhok nito na hanggang balikat, may bangs ito na hindi na bago sa akin. Humaba na ang buhok ni Terri, eh. Pinutulan niya lang ulit.
At huli, ang buhok ni Elaine na palaging ponytail style na kung minsan ay malaya. Straight ang buhok ni Elaine at kulay brown ito, sobrang brown—natural. Palaging may suot na eye glasses si Elaine dahil malabo ang mata nito kakatutok sa screen ng laptop niya dahil sa pagsusulat ng nobela.
"Good morning, ladies," bati ko ng nakangiti. "May lakad ako ngayon, personal na lakad kaya hindi niyo kailangang sumama sa akin." Dagdag ko rin agad-agad dahilan kung bakit kunot na ang noo ni Rocaine sa akin ngayon.
"What does it mean, your highness?" taas kilay niyang tanong sa akin. "Personal or not, we are obligated to follow you wherever you are. I suppose you understand me very well, your highness." Ito na nga, dagdag ni Rocaine.
"Oo nga, obligado talaga kayo at alam ko 'yon dahil na sa book of etiquette nakatala na kahit saan ako hihinga ay nandoon kayo pero . . . " ngumisi ako, "Nakadepende sa akin kung papayag ako. Magkaiba kami sa nakasanayan niyo, naiintindihan niyo?" Kalmadong sagot ko pa.
BINABASA MO ANG
MBUS Book II : Nahat Adelaidein Roosevelt
Random❝ 𝐈 𝐓𝐇𝐎𝐔𝐆𝐇𝐓 𝐋𝐈𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐂𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐔𝐓 𝐈 𝐖𝐀𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆. 𝐈 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝐀 𝐁𝐈𝐆 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐁𝐄𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐃𝐍'𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐔𝐓 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐘. ❞ Why do people have to devour other peopl...
