Real Night Have To Be A Good One

761 38 10
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·.. chapter eleven
⇉ underworld society arc

N A H A T   A D E L A I D E I N

"I see. I see. Matigas din ang ulo ng isang 'to, ha." Nasabi ko sa hangin habang hinihilot ko ang sintindo ko.

Naka-upo ako sa computer desk sa kwarto ko, si Rocaine ay nasa gilid ko ito nakatayo habang ni-re-report sa akin kung ano bang progresses ang mayroon sa case ng tatay na na-encounter namin ni Achexen bago ako makipagkita sa mga Baltimoré.

Pasado alas syete na ng gabi at ngayon din ang araw na magkikita ang AG, si Aizen at mga Veroca para sa lakad patungo sa U.S. May spare time naman ako kaya tinanong ko na si Rocaine para pagkatapos naming ma-solve ang kaso ni Aizen, solution naman ng tatay ang gagawaan ko ng paraan.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Ang case ni Hendrix ay wala pa rin akong nasisimulan. Busy pa ang Suzerain para sa case ng mga magulang ko. Ano ba itong ginagawa ko't inuna ko pang pumunta sa U.S?

Ha!

Hindi ba't dahil din sa sarili kong benipisyo?

"If Her Highness wishes me to pursue the matter further, I believe I have the potential to succeed. If Her Highness grants me this offer," si Rocaine, halata siguro sa boses at mukha ko ang stress ko.

Umiling ako kay Rocaine at ngumiti lang.

"Maraming salamat sa offer mo, Rocaine. Ako na ang gagawa dito, ako rin naman ang kumausap doon sa tatay." Kalmadong sagot ko.

Si Rocaine ay tumango na lamang ito sa sinabi ko. Sino naman kaya ang taong 'to at pinipilit pa rin ang sarili desisyon? Nakakatawa, nakalimutan kong nasa puder ako ng mga taong sakim sa kapangyarihan. Di bale nang may maapakan, umangat lang sila.

Ayos, ah.

Ako ang magiging karma nila pagkatapos kong ayusin ang kaso ni Aizen. Panigurado 'yan.

"I understand, Your Highness. May I ask something?" Si Rocaine.

Tumango ako at nag-sign kay Rocaine na magpatuloy.

"Kailan ninyo balak asikasuhin ang kaso na ito, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Rocaine.

Sinagot ko naman ito agad. "After sa Underworld Society, pagbalik nating lahat sa syudad." Sagot ko naman.

Si Rocaine, kumunot ang kaniyang noo. ". . Silly me, I forgot about Underworld Society. Kailan iyan magaganap, Kataas-taasan?"

Napapailing pa si Rocaine kaya natawa ako.

"Mamayang 10 pm, Rocaine. Kaya maghanda ka na. Tsaka na natin isipin ang kaso ng tatay pagkatapos ng kaso ni Aizen, okay?" Sabi ko ng nakangiti.

Si Rocaine, ngumiti lang ito sa akin ng tipid tsaka nagpaalam. Mas bagay talaga ni Rocaine na nakangiti. Pag hindi nakangiti si Rocaine ay akala mo, ano mang oras ay bibigwasan ka niya bigla tas pag nagreklamo kay ay mas lalo niyang lalakasan ang bigwas. Gano'n ang vibes niya.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon