CHAPTER TEN

110 2 0
                                    

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter ten
peaceful and chaotic

N A H A T  A D E L A I D E I N

Pagdating naming lahat sa peryahan ay pasado alas kwatro na ng hapon. Thirty minutes kaming na sa byahe kanina dahil may kalayuan sa syudad ang St. Peter. Actually, hindi na belong sa City ng Nevernight ang St. Peter. Na sa maliit na bayan na ito ng Shenshui, sa gawing north kung lalabas ka sa NeverNight City, Green Island.

Hindi kalakihan ang Green Island pero masasabi ko na apat ang City ng isla na ito at pinakamalaki ang NeverNight dahil dito ang mga tirahan ng mga royal bloods o mga nobles, mga mapeperang nilalang na hindi ko alam saan galing ang sama ng ugali nila sa mga taong mababa ang status ng buhay.

I mean, may apat na city ang Green Island at ang pinakamalaki ay ang NeverNight City. Kung matatandaan, tatlong na school ang invited no'ng intramurals. 'Yong apat na school na 'yon na kasama ang GIS ay ang mga school na pinakamalaki sa apat na city. Kumbaga, sila ang representative ng bawat city pero kilala sila na sila lang university sa

Napatingin ako sa mga kasama ko na kakababa lang din sa kotse. Si Walter ay binaba na rin si Talia na hawak pa rin ang kamay nito. Ang AG naman ay nass likod lang namin na nagmamasid sa paligid.

Totoo, bukas na nga ang perya pero hindi pa gaano karami ang tao sa loob. Mabuti naman at nag-aga kami para hindi masyadong suffocating ang paligid. Dadami rin naman ito mamaya, sa ngayon kasi ay maaga pa kaya kokonti pa lang.

"Head, saan balak pumunta ng anak niyo?" Unang tanong sa amin ni Green na kinatawa ko lalo na ang ibang member ng AG maliban kay Walter na umiwas lang ng tingin na namumula ang tainga.

Dahil sa tanong ni Green, nag-squat ako sa harap ni Talia para magpantay ang height naming dalawa kahit mas matangkad pa rin ako kahit sa ganitong position. Ang mata ni Talia na malaki ay nakangiting tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa kahit hindi si Yuki ang kasama ko ngayon.

"Saan mo gusto una pumunta?" Tanong ko kay Talia.

"Up," tingala ni Talia kay Walter habang hinihila ang kamay ni Walter. "Up!" Ulit ni Talia kaya natawa si Walter habang binubuhat na naman ang batang makulit.

After buhatin ni Walter si Talia, tumayo na rin ako. It turns out Talia wants to look around. Ang AG ay nakangiti lang sa amin habang pinapanood kami kaya hindi ko na sila pinansin.

"I want to go there, Ate Pogi!" Si Talia habang nakaturo pa ito sa may hindi kalayuang nagbebenta ng cotton candy.

"Cotton Candy?" Tanong ni Walter.

Tumango si Talia habang pumapalakpak. She must be really excited.

"Yes, Kuya! I never try those pink cotton like food. Wait, is it really a cotton?" Curious na tanong nito.

Si Green ang sumagot, "Oo, cotton na cotton 'yan. Sa sobrang sarap niyan mapupunta ka sa clous nine." Dahil sa sinabi ni Green mas lalong tumindi ang excitement sa mata ni Talia.

"Really, Kuya?" Lingon ni Talia kay Green na thumb's up ang sagot sa bata tsaka binalik ni Talia ang atensyon niya kay Walter. "Let's go there, Kuya!" Yaya ni Talia kay Walter na nagbubuhat sa kaniya.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon