It Was A Familiar Feeling When I Once Lost My Everything

174 4 0
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter fifteen
⇉ underworld society arc

P E T O X E R A C A S T E V E R O N

No'ng mawala ako sa alon na tao, bigla na lang may sako na nilagay sa ulo ko at dinala ako kung saan. Hindi ako umimik dahil nakasanayan ko na ito sa lugar na ito. Walang problema sa akin dahil alam kong kaya kong tumakas dahil sarili ko lang ang kargado ko.

Akala ko lang 'yan lahat no'ng una. Dahil ilang minuto lang ay narinig ko ang boses ni Walter na nagpupumiglas. Nagtatanong ito kung saan siya dadalhin at kung anong kailangan sa kaniya.

Ako, hindi ako umimik. Lumipas ang ilang minuto simula nang dumating si Walter ay agad din nilang tinanggal ang sako sa ulo ko. Masakit pa siya sa mata sa una dahil sobrang dilim ng nakikita ko sa loob ng sako kaya na-adjust ng malala ang mata ko.

"Achexen? You're also here? What's happening?" Litong-lito si Walter habang tinatanong niya ako.

Ako naman, doon ko napagtanto na parehas pala kaming tinanggalan ng sako sa magkaparehas na oras.

Nanatili akong kalmado. Hindi ko pinansin si Walter. May iilang tao pa ang nasa harap namin at masamang hangin ang naamoy ko rito.

Nilibot ko ang paningin ko, nagbabakasali na pamilyar sa akin ang lugar. Laking pasasalamat ko dahil na sa likod lang kami ng Colosseum.

Nagtanong ako rito ng maayos pero pilit nilang binabalipag ang sagot nila kaya inalis ko ng sapilitan ang tali na nakagapos sa kamay ko. In case na mauwi sa sakitan ang lahat.

"Nagtatanong ako ng maayos, sino kayo at bakit niyo kami dinala rito?" Seryosong tanong ko ulit.

Matunog na ngisi ang sinagot sa akin ng taong kakaiba ang suot na maskara. Lahat ng kasama niya ay puti ang maskara tapos siya lang ang nag-iisang itim.

"Pagpain ka, manahimik ka na lang." Sagot ng nasa tabi nito sa akin.

Wala sa oras akong napailing at tinignan ang itsura ni Walter sa tabi ko.

"Si Jass ba ang puntirya niyo?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay nila sa sinabi ko. "Mukhang tama nga ako pero hindi gano'n kadali 'yan. Hindi siya pupunta rito ng kusa para hanapin kami. Tama na ito, nilalagay niyo sa panganib ang buhay niyo." Oo, kahit hindi uso sa akin magsalita ng mahaba ay sinikap ko pa rin.

Una sa lahat, kasama ko si Walter. Mailagay ko sa panganib ang buhay ko pero hindi ang taong kasama ko. Masisiraan ng mabait si Jass at pag nangyari 'yon, hindi ko kayang isipin kung anong bagay ang magagawa niya sa sobrang galit niya kaya nakikisama ako at nakikipag-usap ng maayos sa kanila.

Lumapit sa amin ang lalaking kakaiba ang kulay ng maskara. May hawak silang lahat na baseball bat. Dahil doon, agad kong tinago sa likod ko si Walter pero sa hindi inaasahan na dahilan, may isa pa palang tayo sa likod namin na siyang pumalo bigla sa likod ni Walter, sa mismong ulo kaya deretso nawalan siya ng malay at dumugo ang part na tinamaan.

Dahil sa bilis ng pangyayari, ang gulat ko ay napalitan ng panic. Panic dahil sa nangyari ay para ko na ring binigyan ng rason si Jass para magalit ng husto. Panic dahil paanong hindi ko naramdaman ang presensya ng isa pang tao? Decoy lang ba itong kakaibang maskara para maisagawa nila ang pakay nila?

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon