23

7 0 0
                                    

Nakasunod ako sa likuran niya habang naglalakad sa dulong pasilyo ng ikalimang palapag ng gusali. This is where his office located. Pareho kong nasa harap ang manager na si Ms. Kath and Lucas na hindi na muli akong tinapunan ng tingin simula nang umalis kami sa opisina namin.

Pumasok kami sa isang napaka laking kwarto. Maayos 'to at malinis as expected from our manager who always wanted this office to get clean everyday kaya napanatili na magmukhang bago ito kahit pa ilang taon na walang tao rito na gumagamit.

"Iwan mo muna kami, Kath." utos ni Lucas atsaka dumiretso sa kanyang swivel chair at umupo. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa desk at malamig na tumitig sa'kin.

"Have a sit, Ms." aniya kaya hindi na ako tumanggi pa at naupo sa upuan na nasa harap ng desk niya.

Hindi ko siya tinatapunan ng tingin but seconds were enough para makabisado ko ang itsura niya ngayon. He looks more intimidating and ruthless than before. Ang dati niyang buhok na mullet style ay naka clean cut na. It's new to me but still, his mullet hair style is much better. Ano kaya ang naisipan niya para magpagupit?

Ang dami kong tanong at pagtataka. When I apply for this company, I made sure na wala 'yong koneksyon kay Lucas o sa pamilya ko and now I'm wondering why did he get out of nowhere as CEO of this 'small wine company'.

I wasn't expecting this! Para akong malalagutan ng hininga dahil sa kakaibang atmosphere na bumabalot sa buong kwarto. Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na hindi ko siya kilala gaya ng ginagawa niya ngayon.

I can see at the side of my eye that he is looking at me normally.

"W-what now? Aren't you going to say something?" nanginginig ang buong kalamnan ko sa kaba na nararamdaman ko kaya kahit pagsasalita ko ay hindi diretso.

"I'm your boss, Ms. Silvia... Is that how you're going to treat me? You're not even looking at me." tumaas ang balahibo ko nang muli kong marinig ang boses niya.

His voice were enough to make my heart beat faster. Even my breath became faster!

Huminga muna ako ng malalim bago siya tinignan. We're on the same eye level. Oh my goodness, I hope he doesn't notice that I longed for him this much.

"Come on, smile for me. It's not that I did say anything yet..." he said playfully.

Even if he wants to. I just can't bring myself to act like there's nothing happened between us 3 years ago. D'yan naman siya magaling. Ang umakto, magsinungaling at manloko. He deserves an award for his acting skills.

"If you're going to talk about our past, Mr. Vilmonte... Please, there's nothing to talk about it. We're done 3 years ago. Uso mag moved on." may iritasyon sa boses ko.

Agad na nangunot ang noo ko nang umalingawngaw ang halakhak niya sa bawat sulok ng silid.

"What are you talking about? Did something happened between us? Or even if we did I can't even remember." nalaglag ang panga ko sa tugon niya.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Assuming ka, Calista! What the hell I am even thinking?

"Did you think that I'm here because of you? Or ipinatawag kita dahil sa past natin na hindi ko matandaan?" pasarkastiko niyang tanong.

Hindi niya matandaan? Really? Napaka galing talaga ng acting skills niya. Ininuntog niya ba sa pader ang ulo niya kaya nalimutan niya kung paano niya ako ginamit at gawing panakip butas para sa ex niya? Ang kapal ng mukha niya!

Tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at gusto kong ibato sa kanya lahat ng gamit dito sa kwarto.

Nakakahiya! Nababasa niya ba ang isip ko? I really did think that he came back for me and the heck we're not in some kind of drama or book para mangyari 'yon! I shouldn't say anything. Gusto ko na mag martsa palabas ngunit ayaw ko magmukhang talunan.

Love The Way You LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon