" 𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙥𝙖 𝙥𝙪𝙢𝙖𝙨𝙤𝙠 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙠𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙞𝙬𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙧𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙠𝙤? "
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, dahil bawat salita na aking binibigkas mga luha ko'y nag uunahang pumapatak. Sana sa una palang dapat ikaw ay nagtapat na ako sayo ay hindi sapat para hindi ako mahirapan na makalimutan ang lahat.
Ang dali para sayo na talikuran ang ating pinagsamahan. Mabilis lang naman natin ito lagpasan kung sabay tayong lumaban, pero mas pinili mo parin akong sukuan at iwanan. Binigay ko naman sayo ang lahat para maging masaya ka lang. Iniwan mo parin ako sa hindi katanggap-tanggap na dahilan.
Mga binigay mo sa akin na mga ngiti, napalitan na ng paghikbi. Para saan pa ang aking mga ngiti kung sa puso mo ako ay may kahati. Patawad kung ito lang ako, yung tipong tao na di kayang ipagmayabang at ipagmalaki. Sana yung desisyon mo na iwan ako ay hindi ka magsisi. Dahil hindi ko na kayang magmahal sa isang tao iiwan din pala ako sa huli.
Sana hindi mo nalang binitawan ang salitang tayo hanggang dulo, kung hindi naman doon ang ating tungo. Hindi mo nalang sana pinaramdam na mahalaga ako kung sa huli ako padin ang talo. Bakit kapa dumating sa buhay ko, kung iiwan mo rin pala ako? May kulang pa siguro sa akin, kaya ikaw ay di makuntento.
Pakiusap, sagutin mo ang aking tanong kung may mali ba akong nagawa? Hindi yung nang-iiwan ka nalang bigla. Alam mo naman na mahal kita at di ko nais na mawala ka---pero pinalaya mo ako sa salitang "maghanap ka nalang ng iba."
Sa kabila ng pinagdaanan natin-- Kung ikakasaya mo na ikaw ay aking palayain. Sasabihin ko na ang salitang "PAALAM" hirap man bigkasin, kahit masakit aking tanggapin. Mga alaala na naiwan sa atin, akin ng ililibing. Mga pangakong binitiwan mo sa akin, masaya akong sa iba mo na yun tutuparin kahit alam kong malabo na kung sa akin.
sa panulat ni: ✍️ 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
![](https://img.wattpad.com/cover/309557116-288-k174137.jpg)
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoetryIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.