"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙠𝙩𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙞𝙬𝙖𝙣?"
Ako ang kasama mo pero pakiramdam ko hindi ako ang nasa isip mo. Ginawa ko naman lahat ang makakaya ko. Ginawa ko naman ang lahat para hindi ka mawala sa tabi ko. Pero bakit mo hinayaan na masira ang tiwala ko sayo. May nagawa ba akong mali para saktan mo ang isang katulad ko? --Bakit hindi mo sabihin sa akin kung may pagkukulang ba ako?
Sa tabi mo ako ay nanatili, pero bakit mo ako iniwan sa huli? --Sa bawat saya na binigay ko sayo, bakit isinukli mo sa akin ay paghikbi? Sa bawat kasalanan mo ay aking iniintindi, pero bakit mo palaging inuulit-ulit ang pangyayari? --Ni minsan hindi ko maramdaman sayo ang salitang pagsisisi, kapag nakagawa ka ng pagkakamali.
Kaydali para sayo na talikuran ang ating pinagsamahan ng dahil lang sa walang kwentang dahilan. Ginawa ko naman ang lahat, kahit pakiramdam ko ako lang yung lumalaban. --Pero, hinayaan mo lang ako, hinayaan mo lang akong luhaan, hinayaan mo lang akong masaktan, hinayaan mo lang akong mahirapan. --Sa dinami-dami ng pwede mong paiyakin, bakit ako? Bakit ako pa ang pinili mong saktan at iwan.
Anong nangyari upang magbago ang nararamdaman mo para sakin. --Nagbago na rin ang pakikitungo mo na parang isa akong ihip na hangin. Nagsawa ka na ba, kaya nagbago ang lahat sa atin? Bakit ako pa ang pinili mong mahalin? Mga katanungan na bumagabag sa aking isipan, bakit hindi mo masagot ng harapan sa akin? --Sana di mo na lang pinatagal kung tatapusin mo lang din.
Hindi mo lang dapat sinabi na iba ako sa lahat kung ipaparamdam mo sakin na ako sayo ay hindi karapat-dapat. --Kahit masakit, pipilitin kong magpanggap na panaginip lang ang lahat. Pero bakit ang hirap? Sobrang hirap na sa kabila ng pinagdaanan natin, wala akong ginawa kundi ay mahalin ka ng tapat at ibuhos ang lahat ng oras.
Alam natin na, hindi na katulad ng dati ang ating pagsasama kaya iniwan mo ako ng nag-iisa. --Walang araw na hindi ako umiiyak sa iyong ginawa. Dahil alam ko sa sarili ko na ikaw yung sumuko sa ating dalawa. --Kaya sa pagkakataon na ito, malaya kanang talikuran ang lahat ng ating alaala. Dahil ang puso ko ay napagod ng iparamdam na mahal kita.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoesiaIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.