#7 Tula ni 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

0 0 0
                                    

"𝙉𝙖𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙤?"

Kwento nating dalawa na akala ko ay wala ng hanggan. Iniwan mo akong luhaan at iniisip kung may nagawa ba akong kasalanan. Sobrang daming paraan para tayong dalawa ay lumaban pero mas pinili mo pang ako'y sukuan. --Nangako ka diba? Nangako kang hindi mo ako bibitawan. Nangako kang hindi mo ako iiwan. Nangako kang hindi mo ako sasaktan. --Bakit ka bumitaw ng mga salitang di mo kayang panindigan?

Nasaan na yung pangako mo? pangako mong magsasama tayo hanggang dulo, pero bakit wala pa tayo sa dulo wala na tayo. --Alam mo bang umasa ako? Umasa ako kasi  sinabi mo, naniwala ako kasi sabi mo tutuparin mo. Sana hindi ka nalang bumitaw ng mga salita na alam mong hindi ka sigurado. Sana hindi ka nalang nangako kung sa huli ako pa lang din pala ang mabibigo.

Kung maibabalik ko lang ang oras, hindi ko na sana niyayakap ang unan habang ang mga luha ko'y pumapatak. --- Hindi mo dapat sana hinawakan ang aking mga palad kung pangako mo sa akin ay hindi matutupad. Bakit mo ako hinayaan na mahalin ka ng sobra kung matatapos din pala ang lahat.

Walang araw at oras na sinisisi ko ang aking sarili, sinisisi ko ang aking sarili kung bakit hindi ko pinigilan ang aking mga tenga na pakinggan ang mga pangako mong walang silbi. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, hindi na sana ako naniwala sa pangako mo na habangbuhay kang mananatili. --Ilang araw wala ako sa aking sarili, hinahanap ang sagot kung ano ang nangyari sa atin nitong huli? --Di ko mapigilan maramdaman ang sobrang sakit at hapdi dahil di mo na kayang manatili sa aking tabi.

Napakaraming pagkakataon at oras para pangako mo ay kaya pang tuparin, pero sa tingin ko malabo na. Dahil pinaramdam mo sa akin na hindi ka karapat-dapat sa akin. --Di ko na rin kayang pigilan ang kirot ng aking damdamin. Malabo na rin hanapin ang mga pangarap na binuo natin, dahil hinayaan mo itong tangayin ng malakas na hangin.

Sa ngayon di na ako susubok at magtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya. Mga panandaliang ligaya sa bawat katagang mahal kita na babawiin lang pala ng tadhana kapalit ang aking pagluha. At sa pagdating ng araw na tayong dalawa ay maging malaya. Sana kaya ko pang ngumiti sa iyong harapan na hindi na ako ang kasama.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

------

"𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙤, 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙮𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤."

------

"Promise meant to be broken." Kapag nangako ang isang tao pustahan tayo ang kasunod ay "I'm sorry." Alam mo kung bakit ganun kadali, na maniwala sa isang pangako na hindi naman natin alam kung kaya ba niyang panindigan ang mga salitang binigkas niya hanggang sa huli? --Kasi binigay mo lahat yung tiwala mo na hindi man lang natin iniisip ang magiging bunga sakaling dumating yung panahon na di na niya kayang manatili sa iyong tabi.

Masarap talaga pakinggan ang salitang pangako lalo na't galing sa taong mahal na mahal mo at hindi mo kayang iwan hanggang sa dulo. Pero ni minsan ba tinatanong mo sa sarili mo, kung kaya ba niyang panindigan ang mga kanyang mga pangako? --Ang salitang pangako kasi hindi dapat basta basta binibigkas kung sasaktan lang din naman natin yung taong nagmamahal sa atin ng totoo at tanggap tayo kung sino tayo at walang pakialam sa nakaraan mo.

Hindi masama ang maniwala, hindi masama ang umasa, hindi masama ang magtiwala. Normal ang lahat ng yan kasi mahal mo siya at dun ka masaya. Ang masama eh, yung ibuhos mo lahat lahat na halos yung pagmamahal sa sarili mo ay wala ng natira. --Pero kung pagkatiwalaan mo ulit yung sarili mo, makakabangon ka sa sakit na idinulot niya. Piliin mo ang maging masaya kahit wala siya.

Wag mong angkinin yung hirap at sakit dahil hindi lang ikaw ang nakaranas nang pagkabigo ng dahil sa mga pangako kundi halos buong mundo ang nakaranas na pagkatapos kang pasayahin sa huli luluha ka parin. --At kung sakali na ang mga pagpatak ng mga luha mo ay di mo kayang ubusin, pwede kang magpahinga dahil naniniwala ako na darating din ang araw na kaya mo ng kalimutan at tanggapin ang mga bagay na nagbibigay ng sakit sa iyong damdamin.

Pero kung babalik ang lahat ng sakit mong nararamdaman. Pwede mo ulit siyang iyakan, di kita pagsasabihan dahil alam ko ang lungkot at sakit ay lilipas din yan. ---At kapag nakalimot ka na darating din sa tamang oras ang tamang tao na kaya kang pahalagahan at hindi ka iiwan.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now