#16 Tula ni 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

0 0 0
                                    

" 𝙒𝙖𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙤𝙙 𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤, 𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙜𝙪𝙡𝙞𝙩 𝙥𝙖 𝙨𝙖𝙮𝙤. "

Wala ng hihingi ng oras mo. Wala ng hihingi ng atensyon mo. Wala ng makikipagtalo pa sayo. Wala ng pipigil sayo. Wag kang mag-alala, hindi ka na mahihirapan gawin ang mga gusto mo kapag nawala ako sa paningin mo dahil pagod narin ako, pagod na  rin ang puso ko at hindi na niya kayang manatili pa sa tabi mo, pagod na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang pumapatak na idinulot mo. Pagod na rin ang mga kamay ko dahil sa higpit na pagkapit sa mga kamay mo.

Ginawa ko naman ang lahat upang ikaw ay manatili pero nakakapagod din umintindi dahil sa oras mo ako ay may kahati. --Wag kang mag alala kasi pagod na din ang aking mga labi, napagod dahil hindi na niya kayang humikbi sa bawat araw at gabi. Wag kang mag alala dahil ito na ang huli -- Gusto ko mo na nang espasyo para sa aking sarili. May mga bagay kasi na gusto ko munang isantabi.

Mahal kita at wala akong balak na ika'y masaktan pero kinakailangan ko ng bitawan ang salitang "KALAYAAN" dahil pagod na ako makipagpilitan at makipagsisikan. -- Hindi ko na kayang tapusin pa ang pag-ibig na ating inumpisahan dahil pagmamahalan natin ay di ko na maintindihan.

At kahit anong gawin ko ay hindi parin sapat,
marahil ako sayo ay hindi nararapat. --Hindi ko man kayang iwan ka, pero puso ko ay napagod ng umitindi sa lahat ng oras -- ni hindi ko man lang naramdaman kung importante ba ako sa lahat.

Wag kang mag alala di na kita kukulitin, di na kita pipilitin na ako naman ang iyong pipiliin. --Dahil pagod na din akong ikaw ay hintayin, pagod na din akong ipaalala na ako naman ang iyong hanapin. ---Mahirap man gawin na ikaw ay aking palayain, pero kailangan kong gawin para sa ikakabuti ng sugatan kong puso na di mo kayang gamutin.

Nakakatawa lang isipin na, sobrang bigat pala sa pakiramdam ang pakawalan ka kahit nakakapagod na. --Nakakapagtaka kung bakit ako naniniwala na sa buhay mo ako ay may halaga. Pero tama na, pagod na akong unawain ka. At wag kang mag alala dahil makakaya ko ring mag isa, makakaya ko ring maging masaya kahit wala ka na.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now