Masaya ako para sa inyong dalawa
Oo, tanggap ko na sa kanya ka na masaya. Tanggap ko na ang dahilan sa iyong mga ngiti ay sya na. Masakit man na makita kang lumilikha ng panibagong alaala na siya ang kasama, tatanggapin ko kahit ang puso ko'y durog na durog na. Wag kang mag alala, kaya ko naman maging masaya kahit ako nalang mag-isa. --Pinalaya kita upang di ko magambala ang pagmamahal mo sa kanya. Kaya, MASAYA AKO PARA SA INYONG DALAWA.
Kahit lumuluha na ang aking mga mata, basta para sa inyong dalawa ,pipilitin ko parin ngumiti. --Hindi man tayo sa dulo, naging masaya naman ako sa mga oras at araw na ikaw pa ang aking katabi, araw na di ka pa napapagod sa aking ugali, araw na di mo ako hinahayaang humihikbi sa bawat oras at gabi.
Mga masasayang nakaraan na binuo nating dalawa ay mananatili nalang sigurong isang alaala, mga alaala na di ko ramdam kung ako lang ba talaga, mga alaalang di ko ramdam kung sa buhay mo di mo ako hahayaang mawala. Pero ayos lang, ang mahalaga, panatag akong makita kang tumatawa habang kasama mo siya. --pasensya ka na ha, kung may pagkakamali man akong nagawa.
Hahayaan ko na din tangayin ng hangin ang pinakamagandang larawan ng ating pinagsamahan patungo sa kanluran at silangan dahil pag ibig mo sa akin ay kumupas na kahit ito ay labis kong iniingatan. --Masakit man sa katotohanan na hindi na ang kamay ko ang iyong hahawakan para samahan ka sa laban at maprotektahan. --Ako lang din ang masasaktan dahil mga ngiti sa labi mo ay hindi na ako ang dahilan.
Wala narin akong magagawa at mahihiling, "masaya ka na, eh" at hindi na kita pipilitin na manatili sa aking piling --ayokong mawala ka ngunit ayaw mo na sa akin. --Marahil ang pag ibig mo ay hindi talaga para sa akin.
Gusto ko din sabihin sayo na nahihirapan akong tanggapin at sabihin ang salitang "masaya ako para sa inyo" kahit alam mong nasasaktan ako, nasasaktan ako sa kadahilanan na yung taong minahal ko ng todo at binuo ang nadurog niyang puso ay hawak na ng isang taong nagbibigay saya sa kanyang mundo.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
![](https://img.wattpad.com/cover/309557116-288-k174137.jpg)
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoesiaIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.