#10 Tula ni 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

0 0 0
                                    

"𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖..

Sana ako nalang yung pangalawa at hindi una. Kasi wala paring saysay ang pagmamah al na binigay ko kung maghahanap ka pa ng pangalawa. Hindi ko maintindihan kong bakit mas mahal mo siya kesa sa akin na mas minahal ka ng sobra. --At hindi ko rin matanggap na, sa tagal ng ating pagsasama mas gusto mo parin siya ang iyong gustong makasama.

May mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? May mga bagay ba na hindi ko kayang gawin kaya nagawa mo siyang piliin? --Sobrang sakit, sobrang sakit isipin na hindi mo na ako kayang mahalin. Sobrang hirap tanggapin na basta basta mo nalang itapon ang lahat ng masasayang alaala natin.

Sana ako nalang, sana ako nalang sya. Sya na hindi mo kayang iwanan at sya na kaya mong pahalagahan. --Pero sino nga ba naman ako, diba? ako naman yung taong madaling pagsawaan, yung tipong madaling saktan at palitan. --gusto pa kitang ipaglaban,    kaso ayokong makita ang sarili ko na naging talunan para sa isang taong walang ibang magawa kundi ako ay sukuan.

Hindi na kita mapipilit, eh. Kasi sa puso mo meron nang kapalit. Pero umaasa parin ako na ang lahat ay kaya pang ibalik. --Tuwing gabi lagi akong humihiling na sana, sana ako nalang ulit, sana kaya mo pa akong mahalin ulit, dahil utak ko'y di kayang manahimik, di ka kayang burahin ng aking isip.

Lahat ng ating mga pangarap, magsisilbi nalang abo sa maliwanag na ulap. --Kung pwede lang na sana panaginip nalang lahat, pero hindi maaari dahil para sayo ako ay hindi karapat-dapat.

At kung kinandado mo na talaga ang puso mo, para hindi na ako makapasok sa buhay mo. --Nais ko lang sabihin na wala akong pinagsisihan sa lahat ng ginawa ko para sayo, dahil alam ko sa sarili ko na sapat na siguro ang lahat ng yun para tapusin mo ang ating kwento.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

--------

"𝙎𝙤𝙗𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙞𝙝𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙙𝙞𝙡𝙞𝙢 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩𝙖𝙣  𝙣𝙖 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖."

Bakit lagi nalang sana ako nalang, sana ako nalang sya imbis na sana ikaw nalang, sana ikaw nalang nasaktan dahil wala naman akong ginawa kundi ang mahalin ka lang.
Alam mo sa relasyon, hindi talaga ganun kadali ang masaktan dahil hindi mo alam kung paano gamutin ang puso mong sugatan. --Sobrang hirap magmove on dahil naghahalo ang emosyon ng iyong nararamdaman. Takot, galit, at kahihiyan.

Pero kailangan mo paring bumangon, kailangan mong labanan at lagpasan ang mga hamon. Wag mong hayaan na lamunin ka ng sakit dahil sa kirot na nararamdaman mo ngayun.

Wag kang humiling sa isang bagay na kahit kailan di maaring mangyari dahil alam ng kapalaran na ikaw ang magiging kawawa sa huli. --Hindi mo man kayang isantabi ang kirot, sakit o pighati, lahat ng pagdusa na nararamdaman mo ngayon ay hindi mananatili, mawawala rin yan sa huli.

At sa susunod na magmamahal ka ulit piliin mo yung siguradong tao na hinding hindi ka iiwan sa dulo. Piliin mo yung kayang protektahan ang puso mo, ng sa ganun hindi ka na ulit mabibigo. --Tumingin ka sa mga paligid mo para malaman mo na hindi lang ikaw ang nasaktan sa mundong ito.

Kung nakikita mo silang nakangiti at masaya, patunay yan na sila ay nasasaktan ng sobra. Tinatago lang nila yung lungkot at sakit na nararamdaman nila dahil alam nila na kahit anong pagdusa pa ang mahaharap natin, darating sa parin ang oras o tamang panahon na inilaan para sa atin.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now