#20 Tula ni 𝒜𝓉ℯ 𝒫𝒾𝓃𝒶

0 0 0
                                    

Mahal parin kita kahit ang sakit sakit na.

Ayokong magpakatanga pero ginawa ko dahil takot akong mawala ka. --Naiiyak ako sa dahilang hindi ko na kaya pero kakayanin ko parin kahit nakakapagod na kasi mahal kita. Oo mahal kita, mahal parin kita kahit iniwan mo ako dahil sa kanya, mahal parin kita kahit ayaw mona, mahal parin kita kahit hindi mo na ako kailangan pa, mahal parin kita kahit pinili mo siya, mahal parin kita kahit ang sakit sakit na.

Nakakapagod man lahat tinitiis ko parin. Lumaban parin ako kahit alam kong malabo nang maibalik ang pagmamahalan natin. --Alam kong hindi ko na ito dapat kailangang gawin dahil hindi na ako ang gusto mong makapiling. Sa dinadaming pagsubok na dinaanan natin dun pa sa panahong hindi pa ubos ang tinta, mga pahina binuo nating dalawa ang di pa kaya pang tapusin.

Mahirap man isipin na di mo na ako kayang ipaglaban, mga luha ko'y hinahayaan ko nalang dahil di ko na kayang pigilan kapag naalala ko ang ating nakalipas na pinagsamahan na palagi kong iniingatan. --Mga pinagsamahan na hindi mo na kayang balikan. Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa aking mahigpit na kinakapitan dahil mahal parin kita kahit iba na ang iyong pinapahalagahan

Mahal parin kita kahit hindi na pwede, naiiyak man akong sabihin yan, paulit paulit ko parin yang sasambitin kahit nagwakas na iyong pag ibig. --Oo, para sayo hindi na maari dahil hindi na ako ang gusto mong makatabi pero hayaan mo muna akong hanapin ko ang aking pagkukulang at pagkakamali kung bakit sa akin ayaw mo ng manatili.

Hindi ko alam kung bakit? kung bakit ang hirap? ang hirap dayain ang puso na kalimutan ka kung ikaw lang palagi ang hinahanap at muling mayakap.

Siguro nga ay panimula lang ako at malabong maging wakas mo. --Sobrang daming dahilan para ikaw ay sukuan ko pero nilabanan ko parin ang tukso baka sakaling mahukay ko pa ang pagmamahal mo sa akin na nilibing mo. At kahit na di mo nilagyan ng kabuluhan ang lahat ng ginawa ko para sayo. MAHAL PARIN KITA KAHIT WALA NG TAYO.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now