"𝙃𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤?"
Di ko akalain na sa loob ng mahabang panahon na nagkasama tayo, umabot tayo sa ganito. --Araw na mahirap sagutin kung lalaban pa ba tayo o susuko? Hindi ka pa nagbibigkas ng mga salita pero sa bawat pagpikit ng mga mata mo naiintindihan ko. Sa bawat pagbuntong-hininga mo unti-unting nadudurog ang puso ko. Katanungan sa isip ko'y hinihintay ang sagot kung hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Hahayaan mo nalang bang tangayin ng hangin ang mga alaalang binuo natin? Kasi kong pagod ka na, hindi na kita pipilitin. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin na mawawala ka na sa aking piling dahil kwento nating dalawa ay hindi ko pa kayang tapusin. --Sobrang sakit, sobrang sakit sa damdamin.
Isip ko ay naguguluhan, sapagkat pagmamahalan natin ay di pa handang tuldukan. --Kaya pa kitang ipaglaban, pero pagsuko ang palagi mong hinahawakan. Malabo nang maintindihan ko ang iyong mga dahilan, dahil ang daming katanungan na gumugulo sa aking isipan. Pero malinaw na sa akin na di mo na ako kailangan.
Akala ko walang susuko sa ating dalawa pero ako ay nagkamali. --Pinaniwalaan ko lahat ng iyong sinabi pero naging imahinasyon nalang habang pinupunasan ang mga luha sa umaga at gabi. Ayoko ng isipin pa ang mga dahilan kung ito satin nangyayari dahil puso ko'y pagod na sa paghikbi.
pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? pagkatapos ng yakap hindi mo na ako hinarap.
At kahit di tayo ang nakatadhana sa huling pahina, naging masaya naman tayo sa dating kabanata. Ayoko pang kumawala dahil mahal pa kita pero tanging hinaharap na ang nagparamdam sa relasyon nating dalawa na hindi tayo para sa isa't-isa.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
----------
"𝙎𝙞𝙜𝙪𝙧𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙩𝙚 𝙠𝙖 𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙖𝙡𝙖𝙖𝙡𝙖."
----------
Mahirap talaga sa una kapag iniwan tayo, sobrang hirap bitawan ang taong minahal natin ng buo. Pero mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo kung hindi mo siya kayang pakawalan sa puso at isip mo. Wag mong ikulong yung sarili mo sa isang taong walang ibang ginawa kundi pakawalan ka at hindi kayang pahalagahan ang nararamdaman mo.
Wala tayong magagawa kung gusto niyang umalis, tumingin nalang tayo sa brighter side at tanggapin ang nangyari --parte ng buhay yan eh. Dahil sa bawat sakit may matutunan tayo. Wag mong ipilit yung sarili mo sa isang taong hindi kayang manatili. --Alam kong ang makalimot ay hindi madali pero naniniwala ako sa salitang "right time time will heal our wounds."
Kung may pagkakamali ka man na nagawa sa past relastionship mo, itama mo nalang lahat sa tamang tao na darating sa buhay mo. Hindi man siya darating bukas pero darating din siya sa tamang panahon o sa hindi inaasahang pagkakataon. Nasa diyos lang ang desisyon.
Tandaan mo, nakatira tayo sa mundo na kung saan normal lang ang masaktan mapabata man o matanda. Lahat ng sakit at hirap na natatanggap natin ay may dahilan at hindi magtatagal dahil kapag naunawaan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay natin, lilipas din yan.
Wag kang mawalan ng pag-asa dahil darating ang araw o panahon na kaya mong maging masaya kahit wala siya. Wag kang lumingon sa salitang sumuko na, humarap ka at panghawakan ang salitang kaya ko pa. --Kapag nagtagal, masasanay ka nalang na at unti unti mong matatanggap na hindi kayo ang inilaan para sa isa't isa.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoetryIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.