"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖?"
Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo na "ako lang at hindi mo ako sasaktan." Araw-araw ko yun pinanghahawakan. --Alam mo ba kung ano ang aking kinatatakutan at pinakamasakit na pakiramdam na dapat hindi ko maramdaman? yun ay ang masaktan at iwanan mo akong luhaan. Saan ba ako nagkulang? Maaari bang ipaintindi mo sa akin, para hindi ako naguguluhan. --Sa tagal ng ating pagsasama, sa dami ng ating pinagdaanan, sinira mo lang sa salitang "may iba ka nang pinapahalagahan."
Alam mo bang lagi kong tinatanong ang aking sarili, kung totoo ba ang mga pangakong sinabi, na tayo'y magsasama at hindi mo ako iiwan sa huli. May nagawa ba akong mali? Ano bang nangyari? --di ka naman ganyan dati. Minahal naman kita ng walang kahati, pero sa puso mo ako pala ang may kahati. --Sana hindi ka nalang pumasok sa buhay ko kung hindi mo kayang manatili.
Binigay ko naman ang lahat para maging masaya ka, pero ang sinukli mo sa akin ay ang salitang "patawad pero may mahal na akong iba." Bakit ka naghanap ng iba? Wala pa naman tayo sa dulo pero bakit sumuko ka na?" Ganyan kaba talaga? Mas pipiliin mo masaktan ang iba para lang sumaya ka. Bakit mo ako pinaniwala sa salitang "Mahal kita at wala ng iba?" Bakit mo isiningit ang "siya sa pahina nating dalawa.
Bakit mo ito nagawa sakin? Bakit mo ako nagawang lokohin? Bakit mo nagawang tapusin ang masasayang alaala natin? --Sobrang daming tanong ang tumatatak sa aking sa aking isipan na kahit isang paliwanag na salita di mo magawang sagutin. Ano ba ang pinagkaiba namin? Dahil ba di ka na masaya sa akin? Dahil ba iniisip na walang pagtutunguhan ang relasyon natin? --Di naman ako pagkain na kapag panis na ay itatapon at iiwan nalang sa hangin.
Tiniis ko ang lahat kasi alam kong yun ang dapat. Kumapit parin ako kahit alam kong di ako sigurado na matutupad ang ating mga pangarap. Lahat ng pag-uunawa at pag iintindi, lahat ng meron ako at lahat ginawa ko kung anong makakaya ko binigay ko para sayo. Hindi pa ba yun sapat?
Ano bang meron sa kanya na wala ako? kaya ba niyang higitan ang lahat ng paghihirap ko para sayo. --Di ko alam kung anong pagkakamali ko pero kung may pagkukulang man ako hindi parin yun sapat para lokohin mo ako ng ganito. At kung ito na talaga ang huling kabanata ng ating kwento, sana wag ka ng bumalik kung makikita mo ang tunay na ginto na sinayang mo.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
------
"𝘼𝙠𝙤 𝙗𝙖 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙤 𝙨𝙖𝙙𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙧𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙪𝙣𝙩𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤."
Lahat naman tayo di marunong makuntento sa mundo ng ating ginagalawan. Ganun naman talaga ang pag ibig, parang buy one take one, willing to serve for everyone. Pagdating kasi sa love, kung sino pa yung nauna, siya pa yung nahihirapan, siya yung nasasaktan, siya yung umiiyak, at siya yung palaging iniiwan, pero normal lang yan kasi madadaanan lang din naman natin ang salitang tanggapin mo nalang.
Oo masakit, Oo mahirap. Kasi binigay mo ang lahat pero hindi parin sapat. Minahal mo siya ng tapat pero iniwan ka lang sa isang iglap. --Sobrang sariwa yung binigay niyang sakit kaya alam kong mahirap magpatawad. Walang mangyayari kahit ilang beses pa tayong umiiyak, wala magbabago kapag paglulugmok ang pinairal. Pero alam nating lahat na sa pag iyak lang ang tanging daan upang matuto tayong tanggapin ang lahat.
At alam mo ba kung bakit lahat tayo nakakaranas ng break up? because god is the best, inilayo ka niya sa maling tao na akala mo ay tama. --Oo, madaling sabihin para sa mga taong nagsasabing mag move ka, pero wag mong kalimutan na hindi lang ikaw ang nakakaranas ng pagkabigo, tandaan mo hindi ka nag-iisa
Walang taong loyalty sa mundo. Lahat tayo nagchecheat. Sa exam at sa pag-ibig, Minsan nga tayo ay nagsisinungaling, in short walang honest. --Yung nararamdaman mong sakit dahil sa pagiging sawi sa pag-ibig, alam kong hindi agad yan magheheal. Ikaw lang at ikaw ang makakapagbangon sa iyong sarili. Pero isang reseta lang ang kaya mong gawin yun ay ang "ACCEPTANCE".
Ito lang ang masasabi ko, hindi mali ang magmahal, nagkamali ka lang ng taong minahal. --hindi ka nagkulang at walang mali sayo, nakatagpo ka lang ng taong hindi marunong makutento, at walang rason para sisihin mo ang sarili mo. --Dahil darating din ang taong inilaan na para sayo. "PATIENCE IS THE KEY."
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoetryIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.