#15 Tula ni 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

0 0 0
                                    

" 𝙄𝙣𝙜𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙡𝙚𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖𝙮𝙤"

Gustuhin ko man na wag siyang bitawan pero hindi na siya magiging masaya kung kakapit pa ako. Mahal ko siya, mahal ka nya, kaya ako nalang ang lalayo. Hindi ko hawak ang kanyang puso para sabihan ko siya na "ako lang ang mahalin mo". --Paulit ulit akong nagpakatanga kahit na alam ko na iba na ang kanyang gusto. ---Alam kong wala ako sa posisyon na sabihin ang sayo ito pero isa lang ang hiling ko "ingatan mo siya, kasi binalewala niya ako dahil sayo."

Hindi ko alam kung ano ang aking pagkukulang at pagkakamali dahil kahit
pilitin ko man na higitan ka, ikaw parin ang kaniyang pinili. --Sa dinami dami ng masasayang alaala na binuo naming dalawa,   yung mga ngiti niya ay hindi maipinta kapag ikaw ay kanyang katabi. --Ingatan mo siya ha,   Wag mo siyang paiyakin kapag kahit di mo na naiintindihan ang kanyang ugali. Aliwin mo siya kapag nalulungkot sa bawat gabi.

Ingatan mo siya ha at aalagaan. Wag mo siyang susukuan, wag mo siyang bibitawan, dahil kahit samahan ko pa siya sa dulo ng digmaan, pipiliin niya parin na ako'y kanyang iwanan at ikaw ay kanyang babalikan. Wag mo siyang hahayaang masaktan dahil mahal na mahal ko yan, wag mo siyang pababayaan dahil di mo alam kung gaano kasakit ilaan ang isang taong di ko pa kayang pakawalan.

Mahirap man tanggapin na sa bawat pahina na aking sisilipin yung mga ngiti nyo nalang dalawa ang aking napapansin. --Gusto ko man siyang pigilin na wag akong lisanin, hindi niya mararamdaman ang totoong kasiyahan kapag ako ang kaniyang kapiling, hindi ko rin siya matatawag na "AKIN" kung iba ang nilalaman ng kanyang puso at damdamin.

Oo mahirap dahil ikaw na ang tutupad sa kanyang mga pangarap. --Kaya wag mo siyang hahayaang mag-isa at mapagod, sa madaling salita tabihan mo siya upang makapagpahinga sa iyong balikat. At kapag nakita mo siyang umiiyak punasan mo ng panyo ang kanyang mga luhang pumapatak at bigyan siya ng matinding yakap upang ang kanyang pagdurusa ay lumuwag. --At pakiusap,

Ingatan mo siya, mahalin mo siya ng higit pa sa kanyang inaakala. --Binalewala man niya ang aking pagpapahalaga, tutuparin ko parin ang kanyang kahilingan na maging masaya siya habang ikaw ang kasama. --Sobrang sakit man isipin na yung salitang "MASAYA AKO SA KANYA" napalitan nalang ng salitang "MASAYA AKO PARA SA INYONG DALAWA"

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now