#4 Tula ni 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

0 0 0
                                    

"𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜, 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙡𝙞𝙩?"

Hindi ko maipaliwanag kung ano talaga ang nararamdaman ko.---Ang alam ko lang, hindi pala ako magiging masaya kapag wala ka sa tabi ko. At kahit anong gawin ko di ko parin matatanggap na wala na tayo, kahit anong pigil ko, lumalabas ng kusa ang mga luha ko kapag naalala ko ang mga masasayang alaala na tayo lang dalawa ang bumuo. ---Pero, kung mabibigyan man ako ng pagkakataon na humiling, yun ay ang mahalin mo ulit ako.

Pwede ako nalang, ako nalang ulit? ---Pangako hindi na kita sasaktan ulit. Hihigitan ko ang pagmamahal ko sayo dati na walang hinihinging kapalit. --Gustuhin ko mang lumimot puso ko ay ikaw parin ang pinipilit. --Kaya kung maari sana na pwede pa bang ibalik? kasi kung pwede pa, mag-umpisa tayong dalawa ulit.

Alam kong hindi mo maramdaman, pero ang totoo nasasaktan ako ng hindi mo alam.--Oo, nagkamali ako at habangbuhay ko yun pagsisihan. Habangbuhay kong pagsisihan, na ang relasyong natin ay napunta sa hiwalayan at bumitaw ng mga salitang hindi man lang natin pinag-isipan. --Patawad, kung ang pangmamahal mo ay di ko nagawang suklian at pahalagahan. ---Pero, maari naman natin ito pag-usapan at iparamdam sayo na hindi na ulit kita sasaktan.

Maari bang ibalik natin ang dati? Ulitin natin ang masasayang na sandali na hindi kasama ang lungkot at pighati. ---Kung alam mo lang , na sa tuwing naiisip kita sa gabi, napapatanong ako sa aking sarili na kung may pagkakataon ba ako na itama ang aking pagkakamali. Mahal parin kita, at gusto kong bumawi sa lahat ng binigay kong sakit na dulot sa iyong pighati--- At sa bawat araw na ika'y nakangiti, alam ko na pilit mong kinakalimutan ang pangyayari.

Pero kung ayaw mo na, handa akong tanggapin. ---Hindi mo na kailangan ipaunawa sakin at ipagtapat. Dahil, alam ko na sa sitwasyon natin pinapahirapan ko lang ang lahat. Pasensya, kung hindi ako lumaban ng patas. ---Naiintindihan ko naman, na ang pagmamahal mo sa akin ay unti-unti ng kumukupas.

Kung mababalik ko lang sana ang lahat, ginawa ko na. Kaya susuportahan kita kung saan ka maging masaya. Sobrang mahal kita ---Patawad, kung ang pagmamahal mo ay aking binalewala. Gustuhin ko man ipagpatuloy kung anong meron sa ating dalawa, pero para sayo rerespituhin ko ang iyong pasya.--- At alam ko na pagpapalaya natin sa isa't-isa ay nakakabuti para sa ating dalawa.

✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪

#BrokenheartedWhere stories live. Discover now