"𝙄𝙞𝙬𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙠𝙤?"
Sa isang sulok ako'y nagmumuni, hinahanap ang sagot kung bakit di mo kayang manatili. Ako'y nakakulong sa hapdi at pighati.--- Kung pwede pa nga lang makasama
kita sa lahat ng oras, ginawa ko na, pero hindi pwede dahil hindi ka na masaya sa aking tabi. Hindi ba ako naging sapat? siguro nga hindi---pero tandaan mo hindi lang ako ang nagkamali.Hapdi at sakit aking nararamdaman. Sapagkat, ayokong wakasan ang ating pag-iibigan. Sobrang hirap tanggapin na mas pinili mo pang ako'y iyong iwanan kesa ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. --- Sawa ka na bang ipaintindi? Ipaintindi sa akin ang mga bagay na kahit ako ay di mo maintindihan. Ito ba ang gusto mong makita?--- makita na ako'y nahihirapan kapag ako ay iyong iwanan?
Iiwan mo na ba talaga ako? Hindi na ba magbabago ang isip mo? --- kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang tanggapin na basta-basta nalang matatapos ang ating kwento, mga masasayang alaala na tayo lang dalawa ang bumuo. --- di bale ng ako'y masaktan, basta wag mo lang pipiliin ang lumayo.
Pwede ba? Pwede pa bang ipaglaban ulit ang pagmamahalan natin? Kasi handa kong tiisin lahat, wag mo lang akong lisanin.--- Pero kung ayaw mo na, di nalang kita pipilitin. --- kahit masakit, hahayaan nalang kita na ako ay iyong palayain--- Kahit mahirap, pipilitin kong intindihin na hindi ka inalaan para sa akin.
Akala ko wala sa ating dalawa ang bibitaw. Pero dadarating pala ang araw, na magsisilbi ka nalang isang alaala kong matatanaw, habang niyayakap ko ang aking sarili sa gabing maginaw---At iniisip ang mga dahilan mo kung bakit ka sa akin bumitaw. Oo mahal kita, pero puso mo ay hindi na ang pangalan ko ang isinisigaw.
Kahit mahirap tanggapin na hayaan kang umalis at palayain ka--- kung hindi talaga ako ang hangad mong makasama, kakayanin kong maging masaya sa mundo kahit ako nalang mag-isa habang nililibing ko ang binuo nating alaala.
✍️ Sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
![](https://img.wattpad.com/cover/309557116-288-k174137.jpg)
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoesíaIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.