"𝙒𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙮𝙤, 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙣𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙩𝙖𝙣 𝙖𝙠𝙤?"
Di ko lubos maintindihan, kung bakit ganito ang aking nararamdaman. ---Dahil sa tuwing ikaw ay aking kasama at minamasdan gumagaan ang aking pakiramdam. Gusto kong sabihin kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman, pero puso ko ay nag aalinlangan, na baka ako'y iyong layuan. ---Hindi ako duwag, dahil baka pag sinabi ko hindi mo ako paniniwalaan.
Ayokong masaktan, ayokong umiyak. Ngunit mga luha sa mata ko'y nagwawala at nag-uunahang pumapatak. Dahil ang nararamdaman ko para sayo ay tapat. --Ginawa ko naman ang lahat pero bakit pinaramdam mo sa akin na hindi ako sapat.--
At sa tuwing makikita ko kayong magkasama nang taong gusto mo para akong isang hangin sa paligid mo, dahil di mo nakikita ang halaga ko. --Alam kong walang tayo pero bakit nasasaktan ako? Alam kong wala akong karapatan pero hindi biro ang nararamdaman ko para sayo.--Siguro kasalanan ko, dahil nahulog ako sa taong di ako masasalo. Di ko kayang utusan ang puso mo na mahalin ako dahil meron nang nagpapasaya sayo.
Naiingit ako kay maganda dahil may malakas na. Naiingit ako kay Florante dahil nakuha niya si laura. Naiingit ako sa prinsipe dahil nahuli niya si ibong adarna. Pero ako? Ako lang naman yung nasasaktan pag may kasama kang iba. ---Dahil dumating sya at iniwan mo akong nag-iisa. Tama lang siguro na hindi ko pinahalata, Dahil baka ang maramdaman ko ay iyong pagbabalewala.
Di ko na ipipilit ang aking sarili sa isang taong di ako ang dahilan sa kanyang mga ngiti. Lalayo nalang kung sakali, upang di manatili ang sakit at pighati. ---Patawad, kung ang puso ko ay ikaw ang pinili. Dahil alam kong di mo ikakasaya ang ikakasaya ng aking sarili.
At kung ikakalungkot mo na ikaw ay aking ibigin, distansya ay aking gagawin. Dahil alam ko na sa una pa lang kaibigan lang ang turing mo sa akin. Masakit man isipin, handa kong tanggapin. Pero ipangako mo sa akin na di ka nya paiiyakin, Dahil kapag ako ay nagmahal ng iba, luha mo'y di na kayang saluhin.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoetryIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.