"𝙋𝙖𝙣𝙖𝙠𝙞𝙥 𝙗𝙪𝙩𝙖𝙨 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙠𝙤."
Sa bawat pinapakita mo na mahalaga ako, hindi ko pala alam na yun pala ang patibong mo para mahulog ako sayo. Sa bawat pagsabi mo ng mahal kita, hindi ko pala alam na yun pala ang bitag mo para dayain ang puso ko. --kaya heto ako hirap kumawala, nahihirapan at nasugatan ng husto dahil sa mga lambat mong mga salita na akala ko ay totoo. --Matapang ako pero nagbibigkas ka ng mga pangako para lumabas ang kahinaan ko.
Alam kong ika'y kanyang sinaktan at iniwan pero kung laro naman pala ang gusto mo para siya ay kalimutan at mahalin ka nya ulit sana nagmahal ka nalang ng laruan para wala kang nasasaktan. --Hindi ako bola ng kapag nakascore ka na, hahayaan mo nalang. ---Kung alam ko lang sana na wala palang katotohanan ang iyong nararamdaman hindi sana kita pinaglaban at minahal ng lubusan.
Minahal mo ba ako? pakiusap sagutin mo dahil mata ko'y di tumitigil sa pag iyak, damdamin ko'y parang hinahampas dahil sa salitang "panakip butas" --Panakip butas lang pala ako.. na naging rason kung bakit ang puso ko'y parang sinasaksak, durog na durog at wasak na wasak kasi minahal kita ng wagas
Kung siya ay mahal mo parin, balikan mo siya at piliin. Wag mo lang durugin ang puso ko kung hindi mo naman ako kayang mahalin. Kasi hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na hindi pala ako ang gusto mong makapiling.
Minsan nagagalit ako sa aking sarili dahil hindi ko pinapansin ang iyong pagkakamali. Nakatingin kasi ako minsan sa iyong mga pisngi na naging dahilan sa aking mga ngiti. Sapat na sa akin ang mayakap kita at palaging katabi sa bawat araw at gabi. --Pero lahat ng yun ay isang pag ibig na sandali na kahit kailan di ko hahayaan na maulit muli.
Sana naman naging patas ka para hindi ako mabulag sa patibong mong mga salita. --Binigay ko ang nararapat na pagmamahal para maging masaya ka, pero pinagmukha mo akong tanga. --Ano pa ba ang magagawa ko diba? hindi naman ako ang mahal mo talaga, kasi para sayo ako'y isang libangan. Wala akong pinagsisihan at least yung puso ko'y napakinabangan. --Kaya pasensiya na kung wala na akong balak samahan ka kung sakaling mag-isa ka na puro sakit lang ang aking mapapala kung mamahalin ulit kita.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
------
"𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙢𝙤 𝙨𝙞𝙮𝙖. 𝘼𝙡𝙖𝙢 𝙢𝙤 𝙗𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙤 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙙𝙪𝙣? 𝙋𝙧𝙞𝙤𝙧𝙞𝙩𝙮 𝙢𝙤 𝙨𝙞𝙮𝙖, 𝙊𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤."
LESSON LEARNED: Wag kang magmahal ng taong hindi pa nakamove on.
Mapaglaro talaga ang pag-ibig. Kasi kung sino pa yung nagmamahal ng totoo siya pa yung niloloko at kung sino pa yung manloloko siya pa ang minamahal ng totoo. --Ganyan talaga kapag nasa relasyon tayo, maraming mga kabaligtaran. Hindi natin iniisip kung ang pinaparamdam nilang pagmamahal ay totoo ba o hindi, basta't kasama mo ang mahal mo wala ka ng pakialam sa bunga kung kayo ba talaga ang hanggang dulo.
Pagdating kasi sa pag-ibig, lahat tayo ay nagbubulagbulagan, yung tipong panatag ka na parang wala kang paghihinayangan kasi nga hawak mo na siya, nagiging kalmado ka kasi sabi niya "mahal kita at hindi kita iiwan, pangako yan." --yan talaga yung salitang mahika para makuha nila ang ating kalooban. --tapos isang araw, kapag nagawa na ang kanilang misyon pababayaan ka nalang, hahayaan masaktan at ika'y kanilang iiwanan at pakawalan.
Ganun talaga kadali para sa mga manloloko ang saktan tayo para sa kasiyahan na kanilang hinahangad. --Pero gusto kong sabihin ko sayo, na hindi ka tanga, nagkamali ka lang ng taong pinaglaban at minahal. Kailangan mo lang tiisin yung sakit kasi alam kong hindi mabilis makalimot. -Oo, mahirap pero yung kirot na nararamdaman mo hindi magtatagal.
Normal lang ang masaktan o pagiging sawi sa pag ibig, kasi pag nagmahal tayo, tulog ang isip at gising puso. --Pero kung magtiwala ka sa sarili mo, may bagong bukas na darating, ok lang magpatali sa emosyon kasi nasaktan ka --pero kung ang pag iyak ang iyong unahin, walang problema kasi yan yung unang gawain para gumaan ang ating damdamin.
Tandaan mo, kapag nasaktan ka ng sobra nangangahulugan lang yan na hindi mo kayang mawala siya. --Kailangan mo lang gisingin yung isip mo na kaya mong maging masaya kahit wala siya. Kasi nabuhay naman tayo bago natin siya makilala. --Sa ganitong paraan, unti unti mong matatanggap na hindi kayo para sa isa't isa.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
![](https://img.wattpad.com/cover/309557116-288-k174137.jpg)
YOU ARE READING
#Brokenhearted
ŞiirIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.