"𝘼𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙡𝙖𝙨𝙚𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙢𝙤?"
Simula sa una hanggang dulo, pinaniwala mo ako sa mga sinabi mo, sa mga pangako mo. Ako yung palaging nasa tabi mo nung winasak niya yung puso mo, hindi kita iniwan sa madilim mong mundo. Pero nung bumalik siya binitawan mo ako, hinayaan mong madurog ang puso ko. --Ano ba ako para sayo? Sino ba ako? Minahal mo ba talaga ako? kung oo, anong klaseng pagmamahal ang binigay mo?
Akala ko hindi na ulit ako masasaktan pag binigyan kita ng pag-asa na mahalin ako, pero ako pala ay nagkamali. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, hindi sana ako nanatili sa iyong tabi. --Sya ang unang dumating kaya hindi kita masisisi. Pero bakit ang sakit? ang sakit pakinggang ang iyong sinabi, kirot at hapdi ang nararamdaman dahil sa salitang "hanggang sa huli".
Ngayon ko lang naintindihan na nagsasayang lang pala ako ng oras at panahon sa isang taong walang ibang inisip kundi ako ay sukuan. --Gusto kitang pigilan na wag mo kong iwan pero parang nararamdaman ko na hindi mo na ako kayang pahalagahan. Kung pwede lang ihinto ang oras nung araw na kasama kita, siguro hindi mo bibitawan ang ating mga pangako sa harap ng karagatan.
Pero hindi ko mapipilit eh, hindi ko mapipilit ang kapalaran na ang lahat ng ating alaala ay pwede pang ibalik. --Binulag lang pala ako ng pag-ibig kaya nahihirapan akong hanapin ang pantakip sa sakit.
Matatanggap ko naman na pansamantalang sandalan lang ako, ang hindi ko lang matanggap bakit ako? bakit ako yung nahihirapan ng ganito? --Nilabanan ko ang lahat ng pagsubok para sayo pero hindi ko inaasahan na meron na palang panalo.
Mali siguro ang mahalin ka kaya inilayo ka sa akin ng tadhana, dahil sa puso mo may isang tao na di mo kayang mawala. Pero kung hinihingi mo talaga yung kalayaan mo para sa kanya, ibibigay ko dahil ayokong maging kontrabida sa kwento ninyong dalawa.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
----------
"𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙢𝙤 𝙥𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙤 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙗𝙞𝙣𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖."
-----
Okay ka lang ba? marahil ang sagot mo ay hindi ka okay dahil nabigo ka at nasaktan. Sinasabi ko lang ito dahil ayokong gumaya ka sa akin na hindi ako kailanman pinahalagahan. --Lahat naman tayo napapadaan sa mga pagsubok na ganyan at walang rason para sabihing hindi mo kaya magmove on, dahil hindi mo siya makalimutan.
Pagkatapos tayong saktan ng taong nanakit satin, nagiging libangan natin ang umiiyak sa araw araw at gabi gabi. Kaya halos hindi na natin nakikita o napapansin ang mga taong kayang manatili sa ating tabi. --dahil alam natin na sa pag-iyak, gumagaling yung sakit, nagagawa niyang pagalingin yung kirot, kaya ibig sabihin hindi masama ang magmukmok, dahil ang pairalin ang kalungkutan ang unang paraan para mahanap natin ang tunay na kasiyahan.
Ang luha ang tanging karamay sa oras na hindi mo na kaya, kahit hindi mo siya kailangan lagi parin siyang nandyan. --Ang luha lang ang tanging nakakaalam sa ating tinatagong nararamdaman. Siya lang ang tanging nagpapagaan sa bawat panahon o minuto na tayo ay nasasaktan.
Oo mahirap tanggapin na basta basta nalang mawawala. --Hayaan natin siyang umalis dahil sa mundong ito walang permanente, lahat sila nawawala at hindi na kayang mag-stay. Marami pang nagmamahal sayo, hindi mo lang nararamdaman dahil nakakapit ka parin sa isang taong hindi kayang pahalagahan ang narararamdaman.
May mga bagay na mas deserve para sayo, at kahit mabigat sa damdamin kailangan mo syang bitawan kung nararamdaman mong wala ng pag-asa na mahukay pa ang inilibing ninyong masayang alaala.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoetryIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.