"𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙞𝙬𝙖𝙣 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙠𝙖 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖 "
Ako yung nauna pero naging panghuli na. Gusto kong sabihin na hindi ko kayang mawala ka pero ako'y nagdadalawang isip na baka ako ay masaktan at sambitin mo ang salitang "pasensya na, dahil mas mahal ko siya." --Ako ay magpaparaya para lang maging masaya ka. At wag mong isipin na binitawan kita hindi dahil hindi ka na mahalaga, binitawan kita dahil may mahal ka ng iba.
Lagi kong tinatanong sa aking sarili kung sino ba sa atin ang nagkamali? ikaw na siya ang pinili o ako na hindi napunan ang aking pagkukulang nung nandito ka pa sa aking tabi. --hindi ko sinasabi na sana ikaw sa akin ay manatili, ang gusto ko lang malaman kung bakit ka nangako na hindi mo ako iiwanan hanggang sa huli.
Umasa ako sa mga sinabi mo na ako lang hanggang sa dulo. Napakaraming dahilan para ikaw ay sukuan ko pero dahil sa mahal kita paulit ulit kitang pinili at manatili sa tabi mo kahit alam kong pagod na pagod na ako.
Pero anong isinukli mo? ginawa mong papel ang puso ko, pinunit punit mo ito at dinurog na maliit na piraso. Akala ko, na kapag ginawa ko ang lahat para sayo di ka mawawala sa tabi ko, akala ko di mo hahayaang pabagsakin ang mga luha ko, pero bakit mo ginawang madilim ang maliwanag kong mundo?
Siguro para sayo ako ay hindi nararapat, para sayo ako ay hindi sapat. Wala na akong magawa, wala rin akong ibang hinahangad kundi mahalin ka na sana niya ng tapat. --Pero bago ako bumitaw sa pagkapit ko sayo at pagkahawak, nais ko lang sabihin na sana mapunan niya ang pagkukulang ko na hindi mo sa akin mahanap.
Sana sinabi mo sa akin na di mo na ako kailangan, na di mo na kayang dugtungan ang ating pinagsamahan, kasi handa naman kitang pakawalan, handa naman kitang bitawan para hindi ako mahirapan ilibing ang mga pangako mo na kahit kailan di mo pinanindigan.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
----------
"𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙢𝙖𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙪𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖."
----------
Walang tao na hindi nang-iiwan, walang tao na hindi nagsasawa at walang tao na hindi makuntento. --Pero sabihin ko sayo, kapag nagmahal ka ng sobra, magbibigay ito ng kabigatan sa iyong puso at kayang sirain ang mga pangarap mo. At higit sa lahat, kung iniisip mo na ipaglaban siya para balikan ka at iwan niya ang taong mahal niya para sayo, wag mo ng ituloy. Mas masasaktan ka lang lalo. -Isipin mo, kung mahal ka, hindi siya maghahanap ng higit pa sayo.
Alam mo sa buhay pag-ibig, matuto tayong sumuko kapag hindi tayo kayang piliin ng taong mahal natin. Kailangan natin tanggapin na hindi siya ang taong nakalaan para sa atin. --Bilyon bilyon ang tao sa mundo kaya madami pa tayong makilala at isa sa kanila ang hindi magsasawa sa ibinigay na pagmamahal natin.
Masarap naman talaga magmahal kapag ikaw yung nauna pero mas makaaakit parin yung pangalawa kesa sa una kaya tayo iniiwan at pinagpalit para sa kasiyahan na hinahangad nila. --Masakit sa katotohanan na hindi nila kayang ipaliwanag kung ano pa ang kulang para mapunan at ano ang mali para itama.
Sobrang daming pagkakataon upang ikaw ay makalimot sa pagiging sawi. --At ito na ang tamang oras para pahalagan mo naman ang iyong sarili. Malay mo bukas makalawa, o sa susunod na mga araw, paggising mo wala na yung sakit, kirot at hapdi. Kalungkutan ay maisasantabi at papalitan ng panibagong ngiti.
Alam kong labis kang nasaktan pero hindi yan sagabal para hindi ka lumaban para sa hinahangad mong kaligayahan. Wag kang mag alala balang araw ikaw ay matatauhan. Wag kang magpakatali sa nakaraan upang ang puso mo ay hindi mananatiling duguan.
✍️ sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PuisiIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.