"𝙋𝙖𝙣𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙠𝙤?"
Gusto ko lang ikwento sayo kung paano kita hinawakan at pinahalagahan. Ako'y nalilito kung paano ko sisimulan. Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Pano kita ilalaban kung mas pinili mo na ako'y iyong bitawan.
Isip at puso ko ay laging nakatulala sa gabi.
Palagi kong tinatanong ang aking sarili, kung saan ba ako nagkulang at nagkamali. Ginawa ko naman ang lahat para ikaw ay manatili, pero siya parin ang pinili mo na makasama sa huli.Gusto kong itanong sayo, Pano naman ako? Ako yung unang nagmahal sayo. Pano naman ako? Ako yung minahal ka ng buong-buo. Sa araw na mainit ang ulo mo, iniisip ko na baka pagod ka lang sa trabaho. Yun pala meron na palang taong dumating sa buhay mo.
Sinamahan kita sa hirap para maabot ang iyong mga pangarap. Pero nagbago ang lahat,-- ika'y nagbago na parang hindi ako sapat. Sana sinabi mo agad----Na ako lang ang kailangan mo pero hindi hangad.
Ngunit pano naman ako? Paano naman ang aking damdamin? Naiisip mo rin ba na ako'y masasaktan mo rin? ---- Kung handa ka na ako ay iyong lisanin --- pakiusap--- Huling yakap ay wag mong hilingin baka mahirapan akong ikaw ay aking palayain.
Wala na akong magagawa kung siya ang gusto mong makasama. Ayokong maging kontrabida sa inyong dalawa. Mahal kita pero mas mahal mo siya. Gusto ko lang makita ka na maging masaya kahit ang kapalit nito ay aking pagluha.
✍️ Sa panulat ni: 𝓐𝓽𝓮 𝓟𝓲𝓷𝓪
YOU ARE READING
#Brokenhearted
PoesíaIsa ka rin ba sa PINA-asa, PINA-luha, PINA-laya? Hugotan natin yan. May mga katanungan ka ba sa pag-ibig na hindi mo makuha? sagot ka ni Ate Pina at papayuhan ka pa niya. Enjoy reading mga KA-PINA.