Chapter 2
My Hero.
Madisson POV
Chasing Travis Salviejo started when I was 7. Bagong lipat sila noon sa subdivision namin.
Gwapo siya at lahat na. Kung ugali rin lang, mabait talaga siya. Oy, totoo 'to ah! Di porke't patay na patay ako sa kanya e bubuhatin kona yung bangko niya. ;) Haha! Bakit ba ang defensive ko? Hihi.
So ayun nga! Mabait, magalang, matulungin at lahat na ng magagandang traits ay nasa kanya na. Hindi ko nga alam kung ano ang meron sa akin at bakit ganoon na lang siya ka-cold sa akin e.
Pero ganoon pa man, humaling na humaling pa din ako sa kanya. Di ko alam kung bakit pero ganoon talaga e!
Something's behind everything.
Ilang araw pagkatapos nilang magbagong-lipat, madalas akong mag-bike sa tapat ng bahay nila para magpapansin. Oo, magpapansin talaga!
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Yaya Perla.
"Magba-bike lang po, Yaya." Para magpapansin sa bago nating kapitbahay. Hihi. Ang landi po ng alaga niyo, Yaya! Pitong taong gulang pa lang po ako ah. Hihi.
"Magpasama ka sa isang kasambahay! Mahirap na at baka malaglag ka pa diyan sa bike na iyan. Mabuti na'ng may kasama ka." Ani pa Yaya.
"Ihh! No need na, Yaya. I'm a big girl na di ba? Atsaka four wheels naman ang bike ko kaya it's impossible for me to fall down." Pangangatwiran ko pa.
Ang totoo, makailang beses na akong nasemplang. Ayoko lang talagang may kasama. Hihi. Makakapagpapansin ba naman ako kung magsasama ako ng chafer?
Naka-pigtail na buhok, pink na leggings at hello kitty na pink blouse ang suot ko. And tadaa! Ready na akong magpapansin, este mag-bike sa tapat ng bahay ni Crushiee. Hihi.
Nakatingin ako sa bahay nila Crushiee kaya naman hindi ko napansin ang humps dahilan para masempleng ako. Awtsi!
"HAHAHA! Si Madisson, nasemplang! Bleh! Buti nga! Bleh! HAHAHA! Angtanga-tanga mo naman!"
Ngiwi akong napatingin sa nanunuksong iyon. Great! Yung mortal kong kaaway na si Mimi dito sa subdivision namin. Kasama pa niya yung dalawa niyang julalay. Mean girls. -,-
"Oo nga! Ang bobo mo naman! Four wheels na 'yang bike mo, nasesemplang ka pa!" Sabi naman ni Fia. Isa sa mga julalay ni Mimi.
Grabe! Kapag nasemplang, bobo agad? Hindi ba pwedeng malandi lang muna dahil naging busy yung mga mata ko sa paghahanap kay Crushiee kaya hindi ko napansin yung pesteng humps? Ang judgmental ah!
Hindi ako makapagsalita dahil sa hapdi at kirot ng sugat na nakuha ko. Ang alam ko lang ay pinipigilan kong tumulo ang mga luha kong nagbabadya na'ng bumagsak.
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
Художественная прозаWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.