Chapter 26
Just remember that ~Madisson POV
Tangang umaasa. Paninindigan ko na nga talaga siguro ang pagiging ganyan ko habangbuhay. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal ko e.
Its two years after and I’m on my 3rd year college. Aside from being Travis’ chaser, I’m keeping myself busy in studying. Lalo pa at isang taon na lang ay makaka-graduate na ako.
Hindi ko naman sinasabing puro lang ako pag-aaral. Matapos ang 18th birthday ko ay madalas na rin akong mag-night out kasama sina Sheena at ang iba pa naming kaibigan, lalo na kapag nagkakaroon ako ng problema kay Travis. Minsan nga ay ako pa ang madalas na magyaya sa kanila.
Hindi naman ganoon kahigpit sina Mommy sa akin. Basta lang ay maayos ang aking pag-aaral at buo pa naman akong nakakauwi ay okay lang.
Sakatunayan ay ako na rin ang nagda-drive ng sarili kong kotse. Kulay apple green itong VW NEW BEETLE 1/57. Ito yung ini-regalo sa akin nina Dad noong mag-eighteen ako. At least ngayon ay hindi ko na maha-hassle si Mang Ramon na ipag-drive ako kung saan ko man gustong pumunta.
Itinigil na rin ni Brendan ang panliligaw niya sa akin. Matapos kasi yung insidente sa restaurant ay pinahinto ko na siya. Sa una ay nagalit siya sa akin pero kalaunan ay naging magkaibigan naman kami.
Simula din noon ay palagi ko nang sinisigurado na naka-lock nang mabuti ang balkonahe ng aking kwarto. Sa katunayan ay ipina-double lock ko pa ito sa Daddy. Nagtataka pa nga siya kung bakit ko iyon pinaganoon e, siyempre ay hindi ko na lang sinabi kung bakit.
Patuloy pa rin kaming naging magkaibigan ni Brendan pero hindi pa rin namin nababanggit sa isa’t isa yung nangyari nung gabi ng aking 18th birthday. Nagtatalo pa nga rin hanggang ngayon ang loob ko kung si Brendan nga ba talaga iyon o hindi.
Siguro ay patuloy pa rin siyang magiging misteryo sa akin, not until magpakilala siya sa akin baling araw kung sino man siya.
“Thanks, Madisson! Maaasahan talaga kita kahit kailan.” Ani Mommy ni Travis.
“Tita naman! Para po kayong bago nang bago. Basta just call anytime you need me.” I said cheerily.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Travis. Fashionista kasi ang Mommy niya kaya naman sa akin ito nagpapa-design ng kung anu-anong klase ng damit. Mas lalo tuloy lumakas yung pag-asa kong baka kami nga ni Travis ang para sa isa’t isa dahil sa inaayon ng tadhana ang lahat sa amin. XD Haha!
“Oo nga pala, hija.. Can I ask one more favor? Sorry if I’m taking the advantage here, pero kasi ikaw lang ang sa tingin kong maaasahan ko dito e.” Ani niya nanakayakap pa sa aking braso.
“It’s okay, Tita. Wala naman po akong gagawin sa bahay kaya okay lang po talaga. What is it po ba?”
“Travis’ asking Terrence kasi to bring the documents he left here to his condo, eh Terrence’ not here pa naman. I can’t go there din naman coz’ surely, your Tito will look for me. Is it okay if ikaw na lang ang maghatid doon? Travis’ not there naman today e. He’s at the office siguro. I’ll just give you my spare key to his condo.” Tita said, then pouted.
“No problem, Tita. Where’s the documents po ba?”
Inutusan lang ng Mommy ni Travis ang kasambahay para kuhanin ang mga dokumento at susi. Pagkatapos ay umalis na agad ako para magpunta sa condo niya.
Pagkarating ko doon ay kumatok muna ako sa pinto ng condo niya para makasigurado. Nang maka-limang katok yata ako at wala pa ring tumutugon ay kinuha ko na ang susi sa aking bag at isinuksok iyon sa seradura ng pinto.
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
General FictionWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.