Chapter 8

56 1 0
                                    

Chapter 8

Mika Inamoto

Madisson POV

"I don't need you here."

I should be immune with him being cold to me. But I can't help it! Yung pakiramdam ko noong una niya akong sinaktan ng ganito ay consistent pa rin na masakit. And funny thing is, mahal ko pa rin siya katulad ng pagmamahal ko sa kanya nung una. Consistent din.

"I liked your song kanina. It was perfect." Pagputol ko sa katahimikan.

"Talaga?" Muli siyang napatingin sa akin. And his eyes were sparkling.

Nangunot ako sa tinuran niya habang nakangiti. Ang cute niya! Hihi.

Agad siyang nagbawi nang mapansin ang reaksyon ko. "You see everything in me perfect. Walang bago. And it's not you I'm talkin' about in there." Malamig niyang sabi.

Lalong lumapad ang ngiti ko. "I never said that I'm the one you're talkin' in there." I said, shaking my head; to add more pang-aasar moves para sa kanya. Hihi.

"I.. I.." Sabi niya na parang naghahanap ng tamang sasabihin. "I mean.. B-baka lang iniisip mo na.. Na ikaw nga yun." Matigas pero halatang nauubusan ng salita niyang sabi.

"Oh? O talagang ako nga 'yon?" Nakahalukipkip kong sabi habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.

"No!" Alerto niyang sabi.

"Oh? Eh sino?" Pang-aasar ko pa.

"I.. I.." Umaatras niyang sabi habang ako naman ay aliw na aliw sa itsura niya.

"Travis?"

Sabay kaming napatingin sa babaeng iyon na nagsalita.

Napataas ako ng kilay. Mula sa pinto ay nakatayo ang babaeng sa tingin ko ay halos kaedad lang ni Travis. Matangkad siya, maganda, maputi, chinita, payat at manipis ang kanyang mga labi na mayroong sobrang kapal na pulang lipstick.

She seems familiar. I know I've seen her somewhere, hindi ko lang maalala kung saan.

Anyways, what is she doing in here? This is a private area at exclusive lang para sa mga taong kakilala ng banda.

"Mika." Ika ni Travis sabay lapit sa babae at umakbay pa dito.

Nahigit ko ang aking hininga.

"Flavor of the month huh?"

Bulong ng aking bitter na pag-iisip.

Pumirmi sa akin ang paningin ng babae. "A teenager fan girl huh? Ang benta mo na talaga. Magseselos na ako niyan." Nakangusong sabi ng chinitang babae na mayroon namang malaking panga.

Ang nakakaloka pa, humawak siya sa dibdib ni Travis while her finger is doing a filthy circle shape in there.

Aba't!

"Excuse me?" Mataray kong sabi.

"Uhh.." Pagitan ni Travis sa amin. "Babe, this is Madisson. She's Andrei's younger sister."

"Oh.." Sagot nito na nakatutop pa ang palad sa bibig in a very maarte way. "Ikaw yung naiku-kwento ng grupo na hardheaded at head-over-heels ang pagkapatay na patay kay Travis. Nice to meet you."

At nagawa pa niyang mag-nice to meet you at maglahad ang kamay niya sa akin samantalang ginanoon niya ako? Lapirutin ko kamay mo diyan e!

"And it was not so nice to meet you too."

"I expected that actually. I'm Travis' girlfriend so I understand what you are feeling right now." Nakangiti pa rin niyang sabi.

Ha! Plastikerang malaki ang panga!

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon