Para kay ate MyCuteLittleDarling, active ako today and napansin kong g na g ka sa mga comments mo. Mahaba na po 'to, pinahahaba ko lang pa po para ma-update ng sunod-sunod na. 😊 Thank you! This ones for you. ❤ Love lots!
Chapter 21
Nasaan na ba siya?Madisson POV
Paghinto ng Van sa tapat ng Clubhouse ay naririnig ko na ang soft music na nanggagaling sa loob nito habang nagsasalita ang kinuha naming emcee na beki para sa gabing ito.
“Good evening to all of us. Welcome to the Clubhouse of St. Michael. Welcome to the BURNING and PERMITTED PARTY of our captivating debutant who is now turning into a fine lady. This is quite a very important event in her life and she is very much honor for your presence. Like Wendy in the movie Peter Pan, no more fairy tale stories every night. She is now a real lady as she stepped onto the much higher level of what we call LIFE. Ladies and gentlemen, sit back as we groove, jive and enjoy her party for tonight.” Anang ng emcee.
Babasagin ang haligi ng Clubhouse kaya naman kita sa loo bang engrandeng debut ko na hindi maipagkakailang pinaghandaan talaga. Marami nang tao sa loob nito na busy sa pakikinig sa emcee.
Mula dito sa Van ay may mahabang red carpet na papasok sa loob ng Clubhouse. Sarado ang pinto nito na hinihintay na lang ang pagdadating ko.
“We’ll stay here until the emcee announces your entrance.” Ani ng babaeng isa sa mga kinuha naming organizer.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Kung pwede nga lang sabihing “Okay lang. Kahit tagalan pa natin hanggang makaabot si Travis dito.” e ginawa ko na.
“But before we go on, it is my great honor to introduce all her special guests for tonight. 18 Bachelors: Like a flower that blossoms and oozes its sweet-smelling aromas to entice bees and butterflies, the debutant will be swarmed later on by 18 equally gentle bachelors. Let us invite them to come in to the grand ballroom. Let us start with:…”
Muling sabi ng emcee at isa-isang ipinakilala ang 18 Bachelors ko na inumpisahan muna sa kuya Ezra hanggang sa narinig ko na ang pagpalakpak at paghiyaw ng mga taong nasa loob.
Everyone’s seems so blissful. Habang ako ay palingon-lingon habang pinapasadahan ng tingin ang mga kotseng nagkalat sa buong Clubhouse sa pag-asang makita doon ang Benz ni Travis.
He’s going to make it here alright? The party’s just starting. Baka nasa airport na iyon or better yet on the way na dito.
Sa ilang taon na naming ganito ni Travis, kahit na sobrang mailap siya sa akin, nararamdaman ko pa rin na mahalaga ako sa kanya kaya alam kong pupunta siya dito para sa akin.
Sabi nga ng emcee kanina “This is quite a very important event in her life.” kaya naman yung taong important din sa buhay ko ay dapat na nandito.
“Family Member: Without them, her life would be hollow and unhappy. Let us all give a big round of applause to honor all the people whom she truly loved. Sabi nga, marami tayong mahahanap na kapuso, pero iisa lang ang ating kapamilya. Sir James Evangelista – dad, Mrs. Miranda Evangelista – mom Mr. Andrei Evangelista – brother Baby Nathalia Evangelista – niece.” Pagpapakilala naman ng emcee sa pamilya ko.
“All the people whom she truly loved.” Medyo nagkulang siya doon ah.
“Go, go, go. Kailangan na nating bumaba para sa entrance mo.” Ani ng babaeng orgamizer mula sa passenger’ seat.
Bumaba na siya at pumunta sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto. Tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng gown ko atsaka ako maingat na inalalayan pababa ng Van.
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
Сучасна прозаWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.