Chapter 20

49 2 1
                                    

Chapter 20
What were you two doing?

Madisson POV

Everyone’s busy around me. Its 4:00 PM and the party’s about to start at 7:00 PM.

I am facing the mirror at the moment. May dalawang beki na nagtutulong ayusan ang mukha ko samantalang isa naman sa buhok ko. Sa likod ay may dalawang babaeng busy sa pag-aayos ng mga damit o gowns na susuotin ko para sa araw na ito.

It’s my big day today and everyone around me seems so happy. Ako na mismong debutante ay hindi man lang magawang ngumiti dahil sa pag-iisip ng mga nangyari kahapon.

Niyaya agad akong kumain sa isang mamahaling restaurant ni Brendan pagdating niya sa mall.

“Bakit naman naisip mong makipagkita ngayon?” Ani ko sa pinipilit na maging masaya ang tinig habang hinihintay ang aming order.

“Well, it’s boring at house. Mom and Dad is currently on Macau, vacationing. Isa pa, I just want to be the first person to greet you a happy, happy birthday.” He sweetly said.

Macau? Great God! Macau huh? Naalala kong lilipad nga din pala si Travis doon mamayang gabi for a business matter at hindi ko alam kung makakaabot siya sa birthday ko bukas.

I smiled. “Thank you.”

Ang totoo, hindi si Brendan ang unang bumati sa akin. Sa dami ng ‘advance happy birthday’ sa cellphone ko kanina, hindi ko na tuloy alam kung sino sa kanila ang naunang bumati.

Maging yung mga kasambahay at ilang mga nag-aayos na sa Clubhouse para sa big day ko bukas ay nabati na rin ako. Ayoko na lang sabihin iyon kay Brendan dahil ayoko namang masira ang mood niya.

As much as I want Travis to be the first person who would greet me, hindi nangyari iyon. Ni hindi niya pa rin ako binabati. It actually doesn’t matter anyway. All that matter is I want him to be at that big special party of mine.

Gabi na nang ihatid ako ni Brendan. Nanuod ng sine, namasyal, kumain at kung anu-ano pa kasi ang ginawa namin kaya ganoong oras na niya ako naihatid.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang Mercedes-Benz S-Class  ni Travis nang ihatid ako ni Brendan. Bakit siya nandito?

“Had a great day with you. Thank you for allowing me to date you today. Ilang araw mo na akong tinatanggihan e.” Ani Brendan sa tabi ko at ngumuso.

Peke ko siyang nginitian. “I’m sorry Brendan. You know how busy I am this past few days.”

“I know. It’s okay. So paano? See you at your big day tomorrow?”

I nodded at him. “Yeah.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din naman ang ginawa ko. “Advance happy birthday again, Madisson.” Ani niya nang magbitaw kami sa pagkakayakap.

“Thank you.”

Yun lang at bumaba na ako sa kotse niya. Hinintay ko muna siyang pasibadin ang sasakyan bago ako unti-unting lumapit sa Benz ni Travis. Of course I know that this is his car.

Bago ako tuluyang makalapit doon ay bumukas na ang pinto nung driver’ seat at iniluwa siya. Akala ko nasa loob siya ng bahay. Bakit ngayon lang siya lumabas ng kotse?

Ang mas lalong nagpakunot ng noo ko ay ang matatalim niyang pagtitig sa akin at ang mabilis niyang paglalakad palapit sa akin. Magkatiim ang perpekto niyang jawline. Hinigit niya ang braso ko nang makalapit siya sa akin.

“What were you two doing inside that damned car? What took you so long to hop out in that fucking car?!” His voice boomed right in front of my face.

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon