Chapter 11
Source of life ~
Madisson POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Before I even knew it, bakasyon na at naka-graduate na rin ang mga kuya pati na rin siyempre si Travis.
Kuya Andrei is nowhere to be found. Huling kita ko sa kanya ay noong graduation pa nila ng mga kuya. Sa tingin ko, he's devastated. I don't really know coz' you know guys; they're so mysterious in every freakin' way. Ang sakit nila sa ulo!
Niyayaya siya nina Travis noon na lumabas para mag-celebrate pero ang loko ay nagmamadali lang umalis. Even Dad suggested that time to eat somewhere pero tumanggi lang ang kuya. Ano kayang problema 'nun? Siyempre kahit naiinis naman ako sa kanya, he's still my brother.
Maybe he's still in to Ate Claire, his past girlfriend na hiniwalayan siya last time. Ewan ko dun sa dalawang 'yun!
Kasalukuyan kaming nandito sa isang coffee shop sa mall ni kuya Damon nang hapong iyon. Niyaya niya kasi akong lumabas at dahil the boredom at the house is killing me ay sumama na rin ako.
"Do you know where kuya Andrei is right now, kuya Dame?" I asked him then I sipped my frappe.
He shrugs. "I don't really know but there's this mysterious girl that he's being crazy about. Silang dalawa pala ni Dian to be exact." He said, chuckling and shaking his head.
My forehead creased. "Mysterious girl?"
He nods. "Yeah. But not in a creepy mysterious way, baby girl. Hindi pa lang namin kita nakikita mula noon, not until at Travis' birthday party."
I rolled my eyes heavenwards. Kailangan pa ba talagang ipaalala ni kuya Dame ang tungkol doon? Sobrang umiyak pa man din ako nang gabing iyon. Halos lumuha ako ng dugo para lang mapayagan ako nina Mommy at Daddy na pumunta sa birthday na iyon ni Travis pero ang ending ay hindi rin naman ako pinayagan.
Sucks isn't it? It's the love of your life's birthday and you're not even there. Ugh! Naiinis pa rin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang gabing iyon.
"Baby girl, you okay?" Asked by kuya Damon in front of me. Napansin niya siguro ang pagiging matabang ng ekspresyon ko.
I nodded. "Oo, kuya. May naalala lang akong isang masamang panaginip. Nasaan na nga tayo?"
Natawa ang kuya Damon sa sinabi ko at umiling. "Sa babae ng kuya mo."
"Ah, Oo nga pala. Didn't know that kuya has a new girlfriend already."
"We didn't even know if that girl is his girlfriend or what either. Maybe yes, maybe no. Parang nagpapaligsahan pa sila ni Dian para sa babaeng iyon." Natatawa na namang sabi ng kuya Dame habang umiiling-iling.
Ang pagpapaligsahan ng kuya Andrei ko at ng kuya Dian sa iisang babae ay bago para sa akin. They're a solid friends at hindi pa talaga sila nag-away mula noon nang dahil lang sa iisang babae.
Ganoon pa man, ang marinig na may bagong babaeng kinababaliwan ang kuya Andrei ko ay isang magandang balita para sa akin. Ang buong akala ko kasi ay hindi pa siya nakakapag-move on kay Ate Claire. Hindi naman kasi namin alam kung bakit naghiwalay ang dalawang iyon.
"Who's the girl?" I asked.
Kuya Damon shook his head. "Telling you some information is too much baby girl. It's not my business to tamper with. Ang kuya mo na ang bahalang magpakilala sa inyo sa kanya. Kung mapapaamo niya." Natatawa na naman niyang sabi.
Tumango na lang ako. Sa karisma ng kuya ko, alam ko namang bibigay rin ang kung sino man iyong babaeng iyon. Sana lang ay magustuhan ko siya. I mean I do like Ate Claire for my kuya Andrei pero masyado siyang maarte na mas maarte pa kaysa akin kaya naman minsan ay nakakairita na rin talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/37059938-288-k664828.jpg)
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
Fiksi UmumWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.