Chapter 6
I know will never be mine
Madisson POV
I didn't stop chasing Travis. Marami na nga ang nagsabi na ang tiyaga ko daw, pero who cares? It's my choice and they have nothing to do with that.
15 yrs. old na ako and currently on my 10th grade. Habang si Travis at ang mga Kuya naman ay pa-graduate na ng college. Pare-parehas na Business Management ang kinuha ng kuya Andrei, kuya Ezra at kuya Dian samantalang si Travis at kuya Damon naman ay Engineering.
Lahat sila ay busy na sa kanya-kanya nilang gawain kasama na si Travis. Nasabi ko ba na mahilig din siya sa music? Grabe 8 siya nung nabuo yung banda niyang "Travis." Obviously it was named after him. Siya ang lead vocalist at kasalukuyang tumutugtog sa Blackbucks. Ang bar na pag-aari ng isa niyang kabanda.
Sa pinagsamang itsura at ganda ng boses ni Travis, marami na ang nahuhumaling sa banda.
Nakabalik na rin pala ang mommy ko. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil hindi naman masyadong nagkwento si Daddy tungkol sa kanya noon sa amin ng kuya Andrei. Ganoon pa man ay masaya din ako dahil finally ay meron na ulit akong mommy.
Si kuya Andrei naman ay malamig ang pakikitungo sa kanya. Sa sobrang lamig nga ay noong 2nd year college pa lang siya ay nag-request siya sa Dad nakukuha ng sariling condo unit para naman makapamuhay nang mag-isa. And Dad being a good father, pinagbigyan niya ang kuya sa hiling nito.
Ito tuloy kami ngayon. Ako, si Mommy, si Daddy at mga kasambahay sa bahay ang magkakasama sa iisang bubong. Maganda na rin dahil nabawasan ng bwisit sa buhay. I mean don't get me wrong. Mahal ko ang kuya ko, kaya nga lang minsan ay bwisit talaga siya lalo na kapag binu-bully ako. Amp.
Kasalukuyan akong nakadapa sa kama ko habang gumagawa ng homework nang tumunog ang cellphone ko.
Kuya Damon calling...
"Hey kuya! What up?" I answered the phone.
"Hey baby girl! Travis has a gig tonight. Wanna come?" He asked on the other line.
"Really? Is kuya Andrei coming?"
"I don't think so. Masyadong busy ang kuya mo at hindi namin siya nakakasama nitong mga nakaraang araw so yeah."
"Ganun? Sige sige. I'll try to ask Mom and Dad if I can come with you."
"Alright baby girl. Just text me if pinayagan ka. I'll pick you up."
"Okay kuya. Thanks! Bye."
Dinner at kasalukuyan kaming sabay-sabay na kumakain nina Mommy sa hapag.
"Ah Dad, aalis po ako mamaya ah." Paalam ko sa Daddy.
"Where are you going?" Ask by Dad na sa hinihiwang steak nakatuon ang pansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/37059938-288-k664828.jpg)
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
General FictionWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.