Chapter 14
First time.
Madisson POV
Dahil gabi na kami nakarating doon ay nag-ayos lang kami ng kanya-kanya naming gamit sa kanya-kanya naming kwarto. Pagkatapos ay kinatok kami ng kuya Damon na kakain na daw.
Sa restaurant ng resort lang rin kami kumain. Nagbubuklat ako ng menu nang bahagya akong siniko ng kuya Damon sa tabi ko. Napapagitnaan ako nina Ate at kuya Dame.
"No lobster for you baby girl. You're allergic on that right?" Ani niya.
Tumango lang naman ako. Bahagya kong sinilip si Travis na ngayon ay nasa unahan ko. Medyo nanigas ako sa kinauupuan ko nang makitang matalim na naman siyang nakatingin sa akin. Magka-igting na naman ang kanyang mga panga. Nag-iwas na lang ulit ako ng tingin sa kanya.
"Allergic ka pala sa lobster, Madi?" Tanong ng Ate na nasa tabi ko.
Nilingon ko siya at tinanguan. "Oo Ate e. Last time I tried to eat that, isinugod ako sa hospital. I got hospitalized for three days." I said to her, smiling.
Umiling ang Ate. "Tsk tsk. Too bad. Rich kid nga naman 'no? Masarap pa naman sana ang lobster. Favorite ko nga 'to e. Ito ang o-orderin ko. Tatlo para mas lalong masarap." She said, enthusiastically.
"Tsk tsk. Fine fine." Ani kuya Damon.
Saktong dumating na noon ang waiter at sinabi na ng kuya Damon ang mga order namin. Ganoon rin naman ang mga kasamahan namin.
Nang matapos kumain ay nag-stay pa kami doon para makapag-kwentuhan saglit. Maya-maya ay bumalik na ulit kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto. Napatingin ako kay Ate sa gilid ko. Naka-headset siya at halatang tulog na.
Mabait ang Ate at hindi ko naman siya nakikitaan ng kahit anong pamamlastik sa pakikisama niya sa akin. She's just asking me this weird questions earlier which is I answered properly naman. I just find it weird but I just shake it off.
Bumaling ako sa gitara na nasa tabi lang ng pintuan. Gising pa kaya si Travis?
Tumayo ako at kinuha iyon. Ibibigay ko na ito sa kanya. Kakatukin ko siya at wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin at maistorbo ko man siya.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin at luminga-linga sa labas. Mabuti na lang talaga at katabing kwarto lang namin ang kwarto ni Travis.
Lumabas ako doon at tumapat sa kwarto niya. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Relax, Madisson. Ibibigay mo lang naman ito at pagkatapos ay papasok ka na ulit sa kwarto niyo. Kuha mo?
Huminga ulit ako ng malalim. Bwisit na puso 'to! Pakiramdam ko ay sasabog ito any minute by now. Ugh! Iniangat ko ang nakakuyom kong kamao at akmang kakatok nang biglang bumukas iyon.
Halos gusto kong tumakbo at magpasagasa sa labas ng resort na ito nang makita ko kung sino ang bumungad sa akin doon.
Si Mika PANGAniban iyon. Nanlalaki rin ang mata niya pero napalitan din agad iyon ng nang-aasar na ngiti. Hindi pa ako nakikita noon ni Travis dahil nakayuko siya.
Tumalikod muli si Mika sa akin at hinagkan si Travis sa pisngi. "Good night, babe. This will be my one of those favorite nights with you. You're awesome." Ani niya sa malanding tinig.
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
Ficción GeneralWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.