Chapter 5
Stupid puppy love
Madisson POV
Naiwan kami ni Travis sa clinic. Nung una ay medyo awkward pero naisip ko na dapat akong matuwa dahil solo ko siya. Hihi.
"You need to stop this."
Putol ni Travis sa katahimikan naming na tanging tunog lang ng aircon ang naririnig.
Napatingin ako sa kanya.
"Ha?" Maang kong tanong.
Nakaupo siya sa couch dit osa clinic na nakatalikod sa akin habang ako naman ay nakahiga sa kama.
"You need to stop acting like a crazy smitten lovesick every damn time you'll learn about me having a girlfriend. You can't always just mess with my relationship like that."
"At hayaan ka na lang na mapunta sa iba? No Travis! No one in this damned world deserves you other than me." Naluluha kong sabi. Is he trying to say that I should give up on him? Napaupo na rin ako sa kama dahil sa tensyong nararamdaman. "I was just 7 years old when I started chasing you and you know that. Why now? Bakit ngayon mo pa sinasabi sa akin 'yan?" Dagdag ko pa.
"I've been trying to stop you for so long and you also know that. Matigas lang talaga ang ulo mo kaya ayaw mo pa ring tumigil." Kalmado niyang sabi.
How can he do that? Kalmadong-kalmado pa rin siya samantalang ako dito ay ang sakit-sakit na ng puso ko. :'( </3
"Then why stop me? Alam mo naman palang matigas ang ulo ko at hindi ako titigil, bakit pinipigilan mo pa rin ako?"
"Because I already told you, hindi pwedeng sa tuwing nagkaka-girlfriend ako, bigla ka na lang haharang at guguluhin kami."
"Ginuguloko kayo? Why Travis? Mahal mo ba sila? Ni isa ba sa kanila ay may minahal ka? Do you love that Grace?"
Imbis na siya ang sumagotsa akin, feeling ko yung tunog lang ng aircon yung sumasagot sa katanungan ko. Hindi siya nagsasalita kaya nagpatuloy lang ako.
"Sabi ng kuya Andrei ay tigil-tigilan ko na daw ang paghabol-habol sayo because you can't never love me back or at least like me dahil iba ang tipo mo sa babae. But I can't Travis.. I can't do that. You know why? Kasi I feel like something's behind everything. Kahit naman ako, minsan iniisip kong tumigil na. But there's something in here." Tinuro ko yung puso ko. "At dito." Tinuro ko din ang utak ko. "Saying that I can't stop."
"No one's behind everything Madisson. Tumigil ka na. I want you to stop this."
Yun lang? Yun lang yung sagot niya samantalang pagkahaba-haba ng sinabi ko. Ni hindi niya pa rin nga magawang tingnan ako e. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang prenteng nakaupo sa couch. Worst, yung boses niya habang sinasabi iyon ay cool pa rin. Packing tape lang di ba?
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
General FictionWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.