Chapter 16

38 1 0
                                    

Chapter 16
Eighteenth roses.

Madisson POV

Lumipas ang tatlo pang taon na hindi pa rin naman nagbabago ang turingan namin ni Travis sa isa’t isa.

Ako ay humahabol-habol pa rin sa kanya habang siya naman ay parang wala lang pakialam.

Kasalukuyan akong 1st year college ngayon sa isang prestirhiyosong fashion designing school. Sa katabi ‘nun ay engineering school at kung tatanungin niyo ako ay mayroon naman akong iilang manliligaw doon.

Isa na doon si Brendan na sobrang dedicated pagdating sa panliligaw sa akin. Gwapo siya at mabait din. Entertaining suitors is really not my thing, pero ang pagkakaiba kasi ni Brendan sa iba ay halos kahawig siya ni Travis. Nakikita ko sa kanya ito pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya ma-entertain ng husto dahil iba pa rin talaga si Travis.

One week and two days from now ay debut ko na. Ayos na ang mga kakailanganin at pamimigay na lang ng invitation para sa selebrasyon ko na iyon ang gagawin. Personal ko iyong ibinibigay sa mga kakilala ko dahil na rin sa ka-excited-an.

Siyempre pa ay hindi nawala ang mga kuya sa aking eighteen roses. Ang daddy ang magiging first dance ko samantalang si Travis naman ang last ko. Kung pwede nga lang na siya na rin ang first ko ay bakit hindi di ba? Hihi.

Kasalukuyan akong nandito sa Salviejo construction firm para puntahan at ibigay ng personal kay Travis ang invitation. Siya na kasi ang namamahala nito magmula nang mag-retiro ang kanyang daddy.

Nginitian agad ako ng sekretarya niya nang makita ako. Ni-close ko kasi talaga ito para sa tuwing gugustuhin kong dumalaw kay Travis ay pwedeng-pwede anytime. Hihi.

“Busy siya?” Tanong ko habang dinudungaw si Travis sa loob ng kanyang opisina.

Salamin lang ang opisina niya kaya madali siyang masisilip. Nakita kong nakakunot na naman ang kanyang noo habang pumipirma ng kung anong papeles sa kanyang mesa.

“Uhm, medyo. Pero susubukan ko. Pagdating naman kasi sayo, he would always find time.” Ani niya at kinindatan ako.

It’s true. Madalas talaga akong pumunta dito para hatiran siya ng kahit na anong pagkain. Yes, pagkain na at hindi na lang basta muffins at cookies. Nag-aral din kasi akong magluto ng ilang putahe para sa kanya. Hihi.

Anyway, ayun nga! Madalas akong magpunta dito at totoong kahit nasa gitna siya ng meeting ay nilalabas niya pa rin talaga ako. ‘Yun nga lang, galit siya kapag hinaharap ako na kesyo nasa kalagitnaan daw siya ng pagtatrabaho at iniistorbo ko siya.

But I really don’t care though. I’ll do anything for him whether he likes it or not.

Pinindot ni Myra (Secretary ni Travis) ang intercom sa kanyang mesa. Nakita ko rin naman ang pagpindot din ni Travis ng kanya mula sa loob habang sa mga pinipirmahang papeles pa rin nakatuon ang pansin. Nakita ko siyang nagsalita.

“Uh sir, si Madisson po nandito.” Ani Myra.

Agad na umangat ang tingin ni Travis mula sa salamin na nakakunot ang noo. Ako naman ay ngumiti nang malapad at kumaway sa kanya hawak ang invitation.

Mula sa labas ay nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Pumikit siya at hinilot ang kanyang sentido. Must be much stressed huh?

Don’t worry, my Travis... Your Madisson is here to take care of you.

Nakita ko na naman siyang may sinabi.

“Okay sir.” Ani Myra at inalis na ang daliri sa intercom. “I told you when it comes to you, he would always find time. Pwede ka nang pumasok.” Baling niya sa akin.

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon