Chapter 12
Magpa-sexy.
Madisson POV
Sa nakalipas na tatlong araw ay inubos ko ang oras ko sa paghahanda ng mga dadalhin ko para sa outing na magaganap.
Inubos ko rin ang oras ko sa pagji-gym. Fifteen pa lang ako pero para kay Travis ay pakiramdam ko kailangan kong magpa-sexy. Hihi. Isang beses sa isang araw nga lang ako halos kung kumain dahil gusto ko ay flat talaga ang tiyan ko kapag sinuot ang two-piece bikini suit na personal ko talagang binili.
Oo, bumili talaga ako ng bikini. Lalo na nang malaman ko mula kay kuya Damon na sasama daw ang mapanga'ng girlfriend ni Travis na si Mika. Ayoko yatang magpatalo sa kanya 'no!
Ngayon na ang araw ng alis namin and as promise to Mom and Dad, kahit deds na deds akong makisakay sa sasakyan ni Travis ay kay kuya Damon pa rin ako makikisabay.
Naka-shorts at simpleng racerback sando lang ako. Flipflops dahil beach resort naman ang pupuntahan namin.
Bitbit ang isang luggage, shoulder bag at gitara ni Travis na nasa maayos na lalagyan ay lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Nakaupo noon sa couch ng sala naming ang kuya Dame kasama ang babaeng nabanggit niya nga sa akin na makakasama daw namin sa sasakyan habang pababa ako ng hagdan. Tumayo sila parehas nang makita ako.
I smiled at the girl and she returned it as well. Maganda siya, I must say. Ang sabi ng kuya Damon ay wala naman daw silang relasyon nito although nakatira sa condo niya ang babae. Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo ang kuya Dame pero ang sabi niya ay tinulungan niya lang daw kasi ito dahil wala itong matutuluyan. Mukha naman siyang mabait at kung magiging girlfriend man siya ng kuya Dame ay botong-boto ako dito.
"Can you help me with this kuya?" I turned to kuya Dame, pointing to the guitar I am holding.
Mahal ko si Travis at para sa kanya talaga ang gitarang ito pero shiz naman! Ang bigat kaya.
Kuya Damon chuckled and quickly jog up to me. "Ano ba kasi 'to?" He asked as he gets the guitar and my luggage.
"Tss. It's obviously a guitar. Duhh!" Paismid na sabi nung babaeng kasama niya na nasa ibaba. Nakahalukipkip ito. Kung titingnan ay simple lang siyang babae dahil sa suot niyang jeans at itim na t-shirt. Naka-pink na backpack lang rin siya habang naka-ponytail naman ang mahaba niyang buhok.
I chuckled. "Oo nga naman, kuya Dame! Obvious naman na gitara e." Ani ko at nagsimula nang maglakad pababa. Nasa likod ko ang kuya Dame.
"I know. What I mean is, para kanino at para saan ba ito? We're going on an outing not on a gig." Tumatawang sagot ng kuya Dame.
"It's my graduation gift for Travis, kuya." I said then faced him. Nakababa na kami parehas.
Saktong inilapag niya ang mga iyon sa tiles na sahig ng bahay namin at ngumuso sa akin. "Bakit si Travis lang ang may graduation gift?"
Narinig ko na naman ang pag-ismid ng babaeng kasama ng kuya Dame. Ang cute-cute niya kapag nagtatalo sila ng kuya Dame na parang aso't pusa.
"Hi, Ate." Bati ko sa kanya.
Ngumiti rin naman siya sa akin at nag-"Hi."
Bumaling ulit ako kay kuya Damon. "Next time ka na, kuya. Sakto lang yung budget ko para kay Travis e."
Sa hindi malamang dahilan ay biglang tumawa ng pagkalakas ang babae. "Pfft. HAHAHA!" Ani nito na nakahawak ang isang kamay sa tiyan at ang isa naman ay nakaturo kay kuya Dame. Anong problema niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/37059938-288-k664828.jpg)
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
General FictionWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.