Chapter 9

51 2 0
                                    

­­­Chapter 9

Autograph

Madisson POV

Naglalakad kami ni Sheena sa pasilyo ng campus. Katatapos lang namin maghatid ng muffins and cookies sa mga nag-order na teacher sa faculty.

"Ten more boxes of muffins and cookies, and I'm done! Mabibili ko na rin yung gitara na graduation gift ko para kay Travis." I said in a high pitched tone.

Sheena rolled her eyes. "Gee! One month from now pa ang graduation ng Kuya Travis kaya pwede ba? Don't be so excited! Isa pa, sigurado ka ba na hindi masasayang ang effort mo diyan? Because last time I remember, you gave him a tribal jacket pero ano? Ibinigay niya lang sa kapatid niya."

Napanguso ako.

Naalala ko nga yun. Last birthday yun ni Travis. Ilang araw lang, nakita kong suot na ni Terrence (kapatid niyang batchmate ko) yung jacket at dito pa mismo sa loob ng campus. Kung hindi lang iyon kapatid ni Travis, baka hinubad ko na sa kanya yung jacket e.

Sa sobrang sama ng loob ko, hinarap ko nun si Travis pero as usual, tinitigan niya lang ako at tinalikuran.

I nudge Sheena. "Grabe ka sa akin Shee! Hindi na niya ipamimigay itong regalo ko na ito dahil dugo at pawis na kaya ang ibinuhos ko dito. With effort and love kumbaga!"

"Yeah right! Ewan ko sayo." Sabi niya na sa Iphone nakatuon ang pansin.

"Ano na naman ba yang pinagkakaabalahan mo diyan?" Inagaw ko yung Iphone niya at tiningnan.

"Ano ba? Akin na nga yan!"

I rolled my eyes and handed her back the Iphone.

"Si Mika Inamoto na naman? Ano bang maganda sa kanya at addict na addict ka sa babaeng yan?"

Nasa google kasi siya naka-browse at puro pictures at autobiography ni Mika Inamoto ang nandoon.

"Masama bang tingnan siya? Grabe! Sobrang bait pala nitong si Mika. Alam mo bang mahilig siyang mag-volunteer sa mga feeding program para sa mga bata? Hilig din niyang bigyan ng surprise party ang mga orphan sa orphanage. Grabe siya no? Ang perfect!"

I'm gonna need a trashcan and vomit right here right now!

"Plastik!" I murmured.

"Bakit ba ang mean-mean mo kay Mika? Nung nakaraan mo pa siya bina-bash ah."

"Because I've met her and she's meaner than me! Kaya lahat ng nakalagay diyan sa google na yan tungkol sa kanya ay puro pawang kasinungalingan lang! Pwe!"

"You've met her? Oh God! Ang lucky mo! Saan mo siya na-meet?" Exaggerated na sabi ni Sheena na ibinulsa na ang Iphone niya at sumabit na parang ewan sa braso ko.

Lucky my ass!

"Sa Blackbucks. She's Travis' new flavor of the month." I said bitterness all over me.

Napatakip ako ng tainga nang biglang tumili ang magaling kong bestfriend.

"Oh my God! Oh my God! Oh my God! Girlfriend siya ni Kuya Travis ngayon?" Sabay tili muli. "I need—I need to meet her. As in! Ipakilala mo ako sa kanya, bestfriend!" Nagkada-utal utal na sabi ng bruha.

Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa halos baliin na niyang braso ko.

"Tigilan mo nga ako! Atsaka correction okay? Flavor of the month, not girlfriend. And no, not even in your wildest dream that I'm gonna make you meet her okay? So dream on! Kung gusto mo, pumunta ka sa mga events niya. Susuportahan pa kita."

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon