Chapter 19
Pinapakitaan ng malaswaMadisson POV
Ilang araw akong nagngitngit sa galit dahil kay Travis. Napalitan tuloy siya nang hindi sinasadya sa cotillion. Doon lang naman pero siya pa rin ang pang-eighteenth roses ko.
Tomorrow’s my big day so I should be resting for now, but here I am entering the Salviejo construction firm. Of course I can’t stand Travis being mad at me, so yeah here I am, going to apologize to him.
“O, big day mo bukas ah. Dapat nagbu-beauty rest ka na.” Ani Myra nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
Hinandugan ko siya ng maliit na ngiti. “I know. Nandito lang naman ako para mag-sorry sa boss mo e.” Sagot ko habang dinudungaw si Travis sa loob.
Napanguso ako nang makitang busy siyang may kausap sa kanyang cellphone. Abot hanggang tainga ang ngiti niya habang nagsasalita at nakadungaw sa malaking glass window. Ang isang kamay niya ay nakapamulsa.
I wonder who is he talking to. Bakit ganyan na lang kung pangitiin niya si Travis? While here I am, always praying that someday I’m gonna be the reason that brings smile on his beautiful face.
“O, bakit? Nag-away kayo?” Pang-uusisa pa ni Myra.
Umiling ako. “Uh, not really. Konting misunderstanding lang.” Sagot ko habang dinudungaw pa rin ang nakangising si Travis sa loob ng kanyang babasaging office.
Ka-fling na naman siguro niya ang kalandian niya ngayon kaya ganyan na lang siya kung makangisi.
Ugh! For the past few days na inaway ko siya, naging miserable na naman ako knowing that he’s mad at me, kaya nga ako nandito di ba? Samantalang siya, heto at pangiti-ngiti lang.
“Well whatever that is, good luck.” Ani Myra at pinindot na ang intercom sa kanyang mesa.
Bumaling si Travis sa intercom niya. Nakita ko siyang nagsalita at ibinaba na ang kanyang cellphone. Lumapit siya sa lamesa. Bago niya pinindot ang intercom ay napaangat na siya ng tingin sa akin.
Kumunot na naman ang noo niya bago pinindot ang intercom. Nakita ko na agad na bumuka ang bibig niya kahit hindi pa nakakapagsalita si Myra.
“Uh, okay Sir.” Iyon lang ang tanging sinabi ni Myra at ibinaba na ang telepono. “Nakita ka na ba? Pinapapasok ka na agad e.” Baling niya sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango sa kanya.
Naglakad na ako palapit sa pinto ng office ni Travis at binuksan iyon. Pumasok ako sa loob.
Naabutan ko siyang nakaupo sa couch niya at nagsasalin ng Bourbon sa baso. Lumapit ako doon at naupo din kahit hindi niya pa ako iniimbitahang maupo.
Tumikhin siya bago nilagok ang laman ng baso. Nakatingin lang siya sa akin habang iniinom iyon. No one’s talking.
Matagal na ganoon lang kami. Nagtititigan at hindi nag-iimikan. Patuloy pa rin siya sa pag-inom ng alak habang ako ay nakaupo lang doon at pinaglalaruan ang aking mga daliri.
Nanghihina na naman kasi ako sa mga titig niya. Yung mga gusto kong sabihin sa kanya ay ibinabalik ng sikmura ko dahil sa naiilang ako sa kanya.
Maya-maya ay tumunog na naman ang kanyang intercom sa mesa. I heard him cursed before getting up of the couch. Lumapit siya sa mesa at pinindot iyon para sagutin.
“Yes?” Ani niya.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon niya. Maya-maya ay tumingin siya sa labas ng kanyang office kung saan nandoon ako kanina at kumunot ang noo.
BINABASA MO ANG
When the Chaser gets tired.
General FictionWe were called 'HARDROCK'. Simply because we love hard as rock. I am Travis Salviejo, and this is my story of love.