Chapter 18

29 2 0
                                    

Chapter 18
Mahal ko o mahal ako?

Madisson POV

Sa sumunod na tatlong araw ay hindi pa rin nagpakita si Travis sa aming practice. I kind of expected that actually.

Si Brendan pa rin ang tumatayong partner ko habang si Travis naman ay patuloy ko lang na kinukulit, but he just keep on insisting that dancing isn’t really his thing. Napipikon na nga ako sa kakasuyo sa kanya e.

“Water!” Sigaw ko sa kalagitnaan ng aming practice.

Tumango lang naman sila bilang sagot sa akin kaya nag-jog ako palapit sa table kung saan nandoon yung mga bottled mineral water. Kumuha ako ng isa at ininom iyon habang pinanunuod ang mga busy pa ring cotillioners kong nagpa-practice.

Maya-maya ay pumalakpak si Karl hudyat na pahinga muna. Kanya-kanyang disperse ang mga cotillioners. Lahat ay kumuha muna ng kanya-kanyang bottled mineral water at pagkatapos ay nagkanya-kanya ulit na pwesto sa bawat sulok ng hall ng clubhouse para magpahinga or should I say mag-chismisan.

Magkasabay na lumapit sa akin si Karl at Sheena. Dumampot din sila ng bottled mineral water at tinungga iyon bago nagsalita.

“O ano? Ika-apat na practice na natin pero wala pa rin ‘yang pa-VIP prince charming mo.” Ani Karl na ang tinutukoy ay si Travis.

“Oo nga, bessy! Give up kuya Travis. He’s busy with their company so you can’t expect him here. And it’s not like you’re gonna die if he’s isn’t your partner. Besides Brendan’s here naman so just stick with him na lang. Kabisado na niya yung special number niyo ni kuya Travis kaya wala ka nang problema if ever.” Sheena butt in.
I rolled my eyes. Ito na naman itong dalawang ito. Kahapon pa nila ako kinukulit tungkol dito at sa totoo lang, malapit na akong sumuko sa mga sinasabi nila.

“Sino ba kasi ‘yang pa-VIP na Travis na iyan? Naku! Kapag nakita ko ‘yan at nalamang mukhang katchupoy ‘yang lalaking iyan, ay beh! Isasako talaga kita.” Ani Karl sa akin. Tumitig siya kay Brendan na kasalukuyang nasa malayo at nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. “Nakikita mo ba ‘yang si Brendan? He’s the real prince material, hindi yung frog prince na sinasabi mo.” Dagdag pa ng malanding baklita.

“Medyo OA ka dun, baks ah! Gwapo naman si kuya Travis ‘no. Hindi din siya pa-VIP. Busy lang talaga yung tao sa business nila.” Pagtatanggol ni Sheena at bumaling sa akin. “Pero tama rin naman si baklang Karl, bessy! Kay Brendan ka na lang. After all, kaya ka nga pumayag na manligaw siya sayo ay dahil nakikita mo sa kanya ang kuya Travis di ba? Isa pa, sa panahon ngayon, hindi na uso ang pagpapaka-martyr. It’s been almost twelve years of chasing kuya Travis, bessy! Don’t you think it’s about time for you to give up? Eh hindi na love ‘yang nararamdaman mo e! Twelve years? Obsession na ‘yan, bessy!”

Matalim kong tinitigan si Sheena at binatukan. “Isa ka ring OA e! Obsession ka diyan.”

Sa pagkakaalam ko sa pagiging obsess ng isang tao, yun yung tipong halos buong kwarto mo ay puro picture nung taong kinao-obsess-an mo.

Okay, I admit it. I have three pictures of Travis inside my room. Mayroon pa nga akong hotdog na unan tapos may mukha ni Travis. Hihi. Pinagawa ko talaga ‘yun para feeling ko katabi at kayakap ko siya palagi kapag nasa kwarto ako.

I have lots of pictures of him, nasa cellphone ko nga lang. XD Haha! Kapag tiningnan mo nga yung cellphone ko, sa sobrang puro picture ni Travis ang nakalagay, aakalain mong cellphone niya yung cellphone ko e.

Pero hindi talaga ako obsess ‘no! In love ako, in love. <3.<3

“Familiar ba kayo dun sa kanta ni KZ Tandingan na ‘Mahal ko o mahal ako?’” Tanong ko sa kanila kapag kuwan.
“O, ano namang kinalaman ‘nun?” Ani Karl.

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon