Chapter 23

46 2 2
                                    

Chapter 23
Unang lalaki

Madisson POV

“And now, down to our fifteenth roses… Ezra Fontaina.”

Medyo masakit na ang paa ko dito. Nasa fifteen na kami at dahil halos 6 inches ang taas ng heels ko ay talagang kumikirot na ito.

Naramdaman ko na ang pag-ahas ng bisig ng kuya Ez sa akin. Nakakagat siya sa katawan ng pulang rosas at sinayawan pa ako ng sexy dance bago kinuha ang pulang rosas sa kanyang bibig at iniabot ito sa akin. Nagtawanan na naman ang mga tao dahil doon.

Hay kuya Ezra! Ang pinakamakulit sa Hardrock. -,-

“Grabe Madisson!” Ani niya at iniikot ako. “Woo! Now, I’m one hundred percent sure.. Marami ka talagang paiiyaking lalaki.” Ani niya sabay halakhak.

Pinalo ko ng bahagya sa kanya ang medyo punpon na ngayong pulang rosas sa aking kamay. “Baliw!”

Inilibot ko ang paningin ko. Two to go, eighteen na pero hindi ko pa rin siya makita. Yung mata kong kanina pa umiinit ay mas lalong uminit ngayon na pinipilit ko lang kagatin ang labi ko para lang pigilan ang mga luhang babagsak.

“Dian Ledesma..” Anang emcee at lumapit na sa akin ang kuya Dian. “Naku! Konti na lang hihilahin ko na palayo ang debutante diyan sa gitna para ako naman ang pumalit. Nakakainggit ka na girl ah!” Segway niya pa.

Umiling at natawa ang kuya Dian. “Heads up baby girl.” Bulong niya nang mapansin siguro ang pagiging malamya ko.

“Damon Castanarez..”

Ang kuya Dame naman ang lumapit sa akin. “Legally, pwede na kitang ilabas kahit hindi nagpapaalam kina Tito James.” Ani niya at humalakhak.

“And now, down to our last and obviously not the least.. Our mysterious escort of the night.. Travis Salviejo.” Anunsyo ng emcee.

Napasinghap ako dahil doon. Seconds later ay wala pa ring Travis ang dumadating.

“Travis Salviejo..” Ulit ng emcee.

Pero wala pa ring lumapit. Napalibot na ako ng tingin. Nakita ko ang pagkokomusyon ng mga tao. Hinahanap na rin nila si Travis.

Napayuko na ako dahil doon. Damn! Hindi ko talaga inisip na kaya niyang gawin sa akin ito. Ang ipahiya ako sa harap ng maraming tao.

“Travis Salviejo..” Isa pang pagtawag sa kanya ng emcee.

“Damn that asshole.” Kuya Damon curses.

Para sa gabing ito, mas lalo kong napatunayan na hindi nga ako ganoon ka-importante kay Travis. Pinahahalagahan niya nga lang ako bilang kapatid ng kaibigan niya pero hindi bilang espesyal na babae sa buhay niya.

“Mukhang wala—“

Naputol ang sasabihin sana ng emcee nang biglang mamatay ang ilaw. Lahat ng tao ay napasinghap dahil doon.

Mayroon akong naramdamang isang taong lumapit at dahil madilim ay hindi ko makita kung sino iyon.

“Who the fuck are you?!” Anang kuya Damon.

Narinig ko ang mahinang pagtapik ng kung sino man sa balikat niya na nagpakabog ng dibdib ko. Sino ito?!

Kumalas sapagkakahawak sa akin ang kuya Damon at pinalitan iyon ng kung sino man ang dumating. He snaked his arms on my waist.

“Aba! Mukhang may pasabog ang ating escort ah.” Anang ng hindi ko makitang emcee.

Maya-maya lang ay nagbukas na ang ilaw. Sa una ay medyo nasilaw pa ako pero kalaunan ay naging malinaw na sa akin ang lahat na nagpahina lang naman sa aking sistema.

When the Chaser gets tired.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon