Aleah's POV
"Good Morning Princess."bungad sakin ng Bestfriend kong si Stephen..
The Campus Crush.
At isa na ako sa nagkakacrush sakanya.. Oo. Bestfriend ko siya..Pero more than friends ang tingin ko sakanya..
Pero..Di na ako umaasa kasi alam ko naman na wala na kaming pag-asa...Hayst. Palati na lang ba akong nafi-friendzone? Nung bata pa lang ako, mga grade 3 lang ata ako nun, may bestfriend din ako at crush ko din siya pero nalaman ko na lang na may iba na siyang crush. Tapos ayun! Di ko na pinansin.
Hanggang ngayon ba naman? Friendzone pa din? Wala na ba talaga akong karapatang mahalin? Letchugas naman oh! =______=
Anyway, ako nga pala si Aleah. 'Princess Aleah Blancaflor'. Ang malaking Echapwera sa school na to. Buti pa bestfriend ko, sikat. Ewan ko nga anong nangyari sa mundo at naging bestfriend ko ang Campus Crush ng school na to. Nag end of the world na ba ng di ko nalalaman at napadpad sakin si Stephen?
Pero okay na yan. Atleast kasama ko ang crush ko! Kuntento na ako sa pasikretong kilig ko. Kesa naman ineechapwera lang ako diba? Atleast malapit ako sa crush ko...Na di naman ako crush..
Princess ang tawag niya sakin..Yiiee! Kiligmuch! Nagmumukha tuloy akong prinsesa! O walang kokontra! Minsan na nga lang ako magpakasaya eh! Pipigilan pa!
At siya lang ang tumatawag na Princess sakin. Yung iba, even my family calls me Aleah. O kaya kayo! Wag niyo akong ma-Princess-Princess diyan! Aleah is enough!
"Hi Stephen!"bati ko naman sakanya at naglakad na kami papasok. At kasabay ng paglalakad namin ay ang bungad sakin ng mga masasamang tingin ng mga FanGirls ni Stephen. Oo. FanGirls. Daig pa ni Stephen ang artista eh! Pinagkakaguluhan!
Akala kasi nila aagawin ko sakanila si Stephen! Aba! Di naman ako katulad nila! Saka as if naman na magugustuhan ako ng isang Stephen Garcia! Pero....Sana nga...Sana nga..Magustuhan niya din ako..Sana..-__________-
Bigla namang may lumapit na lalake samin na mukhang ka batch naman namin..
"Stephen! Tawag ka ni Coach.."uhh! Basketball issues..
Tiningnan naman ako ni Stephen na nagsasabing 'wait-lang-okay-lang-ba'look. Tinanguan ko na lang siya bilang sagot. At naglakad na siya palayo..
Eto nanaman ako.. Iwanan! Huhu!
Naglakad na lang ako mag-isa ng biglang...
"Kyaaaahh! My Prince!"
Psh. Yan nanaman. Mga walang humpay na sigawan at tilian. Peste. Sino pa bang pinagkakaguluhan nila? Bukod kasi kay Stephen ay may isa pang pinagkakaguluhan dito...
The Campus Hearthrob. Prince Ethan Villaflor..π______π
Eh bakit ba yan pinagkakaguluhan? Eh di naman yun gwapo! Feeling niya gwapo siya?! Then feeling niya lang yun! Wag siyang feeler dahil di siya gwapo!
Ang sama kaya niyan! Bakit ba yan nagugustuhan ng lahat?! Eh mas mabuti pa diyan si Stephen eh! Si Stephen mabait! Yang Prince na yan basagulero! Bwisit. Eh malas ang mapapangasawa niya! Maaabuso! Mabubugbog! Masasampal! Masisipa! Matatadyakan! Eh wag na lang! Akala mo naman macho eh di naman..
Saka isa pa.. Playboy yan! Madaming babae! Ewan ko nga ani bang ginagamit na gayuma niyan sa mga babae at pinagkakaguluhan yan! Gwapo? Engk! × Macho? Engk!×
Masasaktan lang sila ng todo todo! Bakit pa ba nila yan minamahal? Anong mapapala nila? Sakit sa puso! Tapos nagtitiis pa sila diyan? Naku mga baliw na sila! Naloloko na ata ang mga haliparot na mga babae na yun!Atsaka isa pa-----------
*BOOGSH!*
Sht! Ano ba yan! Makabangga wagas! Alam nang nag chi-chika minute pa ang tao eh! Sino ba------
π__________π
Prince...
Aba't hinayupak na to! Di man lang nagsorry! Talagang nilagpasan lang ako? Ano ako? Hangin dito? Di niya ba ako nakita?
"Hoy!"sigaw ko habang tumatayo.. Napaharap naman siya sakin..Lagot.
"Ano? Miss mo na ako agad?"Kapal!
Siya mamimiss ko? Nangarap siya!
"Bakit mo ako binangga? Di mo ba ako nakita ha?!"sigaw ko sakanya... Tiningnan ko naman ang paligid ko..Hays. Sobrang sama na ng tingin nila sakin.. Yung parang maaalis na ang mata nila sa sobrang sama ng tingin.. Mga haliparot na to!
"Bakit? Kasi..."at palapit na siya ng palapit sakin..
Hala! Anong gagawin niya! Huhulugin niya ba ako? Patay na!
Palapit ng palapit...
Palapit ng palapit...
At...Eto na..
Napaatras na lang ako habang naglalakad siya palapit..
At...Palapit ng palapit at..
Isinandal niya ako sa pader at...Napapikit na lang ako..
"....Ang mga taong nakaharang sa dinadaanan ng prinsipe.."
Nilalapit niya pa ang mukha niya..
".....Binabangga.. Naintindihan mo?"at umalis na siya sa pagkakasandal niya sakin..
Umalis na siya...
At ako? Eto. Tulala.
Hays. Ano bang pumasok sa kokote mo Aleah at ginawa mo yun? Patay na. Magugulo na ang buhay mo.. Tss. =______________=
~~~♥~~~
-------Boring ba? Haha sorry...I'll try harder sa next chapters..Don't worry..Enjoy! :D
Si Prince po yung nasa pic! ♥
BINABASA MO ANG
Marrying the Hearthrob
Teen FictionMatutuloy pa ba ang kasal? "Marrying the Hearthrob" written by: -kookieness-