-Aleah's POV-
Hmm...
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.. White ceiling, white walls---alam ko na kung nasan ako. I exactly knew it. I'm not in my room---I'm at the hospital.
Pero, di ko pa rin makalimutan yung mga nangyari...
Si Prince...Kumusta kaya siya?
Biglang nag-bukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sakin si Sam.
"Aleah? Gising ka na pala.. How are you feeling?"tanong niya habang inilalapag sa side table yung mga dala niyang fruits.
"I...I'm okay. What about Prince? Is he okay? Kumusta na siya?"nag-aalala kong tanong.
Napansin ko naman ang pagkawala ng ngiti ni Sam.. Biglang napalitan ng pagka-seryoso.
Kaya bigla naman akong nataranta.
"Sam? Anong nangyari?"seryoso kong tanong. "Uhh-uhmm...Aleah, eto oh! May dala akong fruits. Kumain ka muna. Si Stephen nga pala, nasa kabilang kwarto. Stable na yung condition niya. Pahinga na lang."pagpapalit niya ng topic.
Alam kong may mali. Alam kong may masamang nangyayari..
"Sam..Please tell me what happened to Prince. Please?"And after saying that, namalayan ko na lang na may pumapatak na palang luha mula sa mga mata ko.
"Aleah..."
"...Nasa Coma stage si Prince."
--
Hindi ko mapigilang umiyak.
Hindi ko matiis na nakikitang ganyan ang kalagayan ni Prince.
Pagkapasok ko pa lang ng room ni Prince, di ko na napigilan pang umiyak.
Comatose si Prince.
Dalawang bala dapat ang tatama samin. One is for me and the other one is for him. Ako dapat yung unang babarilin eh. Pero, sinangga niya yung bala na para sakin. And that hit his head.
Sabi ni Sam, delikado na daw ang kalagayan ni Prince dahil sa ulo ang tama. At di rin nila alam kung kelan siya magigising. Pwedeng magising siya...O pwedeng di na.
"Aleah, pupuntahan ko lang si Stephen sa room niya ah."pagpapaalam ni Sam. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.
Kaya eto. Kami na lang ni Prince ang natira.
Medyo nanghihina pa ako. Dagdag pa ang nararamdaman ko tuwing nakikita kong ganyan si Prince..
Nilapitan ko siya. If only he could hear me..
"Prince? Can you hear me? Sana naman, oo. Gising na ah? Di ko kasi kinakayang nakikita kang ganyan. Di ako sanay na ganyan ang kalagayan mo. Prince, gising na. Gusto ko ulit makita yung Prince na makulit, masayahin, mapag-laro, mapang-asar. Kahit asarin mo ako araw-araw, ayos lang. Basta gumising ka lang please? Bakit naman kasi sinangga mo yung bala na para dapat sakin?! Tanga ka ba talaga?! Ayan tuloy! Prince naman kasi eh! Pero, salamat ah.. You're my savior..." then, I burst out in tears. Di ko na kaya to. "..Prince, too sad na di mo to maririnig mula sakin. Don't worry, paggising mo, hindi ako magsasawang sabihin sayo to.. Prince, na-realize ko na mahal pala kita. I love you, Prince. Kaya, please? Gumising ka na.."
I grab his hand then I massaged it gently. "I love you, My Prince."saka ako ngumiti ng pilit.
Mahal kita, Prince. Magising ka lang, I'll do everything for you. I'm willing to face the consequences para lang sa ikabubuti mo. I'm willing to sacrifice para sa ikasasaya mo. I promise you..
"Prince, I'll wait for you. Promise me that you'll never leave me, okay? Promise me that you'll always be mine. 'Coz I'll forever be yours.."
--
Success! Nakapag-UD din sa wakas! Guyseu~ Here's another short update! So, yeah. Short lang talaga siya kasi pasilip lang to sa mga susunod na pangyayari.
Dapat bukas ko pa to ia-UD eh kaso may time pa naman kaya ngayon na. Haha. But, don't worry maga-UD pa rin naman ako bukas :)
Enjoy reading, Guys~
Vomments!
BINABASA MO ANG
Marrying the Hearthrob
Teen FictionMatutuloy pa ba ang kasal? "Marrying the Hearthrob" written by: -kookieness-
