7~BESIDE HER

283 17 7
                                    

Aleah's POV

Umuwi ako ngayon ng malungkot..

Parang...nanghihina lang ako..

Di pa rin kasi ako maka get over sa nakita ko kanina..

*FLASHBACK*

Dismissal na at lumabas agad ako ng room para makauwi na..

Pero...Palabas pa lang ako ng room ay narinig ko na ang tawanan nina Sam at Stephen...

Ang sweet nila.. PERFECT. Ang sama ko naman siguro kung sisirain ko lang sila diba?

Pero..Kahit kelan di sumagi sa isip ko na sirain sila. Kasi, mahal ko si Stephen. At kung saan siya masaya, Hahayaan ko siya. Di ko naman pwedeng saktan ang iba, makuha lang ang kasiyahan ko...

"Hahahaa! Yeah. Nakakatawa nga yun!"sabi ni Stephen kay Sam at nagtawanan nanaman sila..

Pero...Ang pinaka nagpabiyak sa puso ko ay...Nang makita kong...Magkahawak-kamay sila...

Oo. Alam ko na normal lang sa mag bf-gf ang mag-holding hands pero..Bakit ganito ang narardaman ko? Bakit nasasaktan ako?

Siguro kasi...Alam ko na wala na kaming pag-asa ni Stephen..

The way he looks at Sam..Is not the way how he looks at me..
The way he smiles at Sam...Is not the way how he smiles at me...
And...The way he loves her...Is not the way how he loves me...

Alam ko na mahal niya rin ako...Pero...hanggang bestfriends lang yun eh. Hanggang dun lang.

*END OF FLASHBACK*

At ngayon....Eto ako. Lutang.

*BOOGSH!*

Yan tuloy....Nabangga nanaman ako..

"S-sorry.."Nakayukong sabi ko..
"A-Aleah?"At dun na ako napatingin sakanya..

Prince...

"S-sorry..."sabi ko na lang at tumakbo na palayo.. Bigla ko na lang kasi naramdaman na bumubuhos na pala ang luha ko...Baka mamaya, asarin nanaman ako ni Prince..

At ngayon, nakarating ako dito sa mini garden ng school..

Patuloy pa din sa pagbuhos ang luha ko...

Bigla naman akong may narinig na footsteps at sigaw.

"Aleah!"=______= Si Prince....Bakit niya ba ako hinahanap? Siguro wala na siyang mapagtripan. Naaalala lang naman ako niyan pag gusto niya akong asarin eh.

Lahat na lang ng tao, ineechapwera ako. Wala na ba talaga akong lugar sa mundong to?

Nagtago na lang ako sa likod ng puno habang nakaupo para di ako makita ni Prince.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at isinubsob ang mukha ko dito..

The only way I can do is...Cry.

"Hay salamat. Nakita din kita!"andyan na si Prince....Nakita niya ako?

"Leave me alone..."sabi ko na lang sakanya...

"A-are you Crying?"tanong niya nanaman pero di ko na lang siya pinansin..

"Hey! Are you crying?"tanong niya nanaman...Na-feel ko naman na umupo siya sa tabi ko..

"Anong ginawa ko sayo? Ikaw nga diyan nakabangga sakin eh tapos ikaw pa iiyak diyan. Tss."Sabi na nga ba eh. Mang aasar nanaman siya..

"Hindi mo alam ang dahilan ko.."sabi ko na lang at umiyak ulit..
"Eh ano pala?" - Prince
"You don't care. Wala ka naman talagang pakialam sakin diba? Wag mo nang pag-interesan..." - ako
"Arte mo. Bakit ka nga kasi umiiyak? Heartbroken ka? Tch. Naha-heart broken din pala ang tulad mo.." - Prince

Pinabayaan ko na lang siya... Wala naman akong mapapala sakanya eh.

"Hoy bakit nga? Alam mo ang arte mo talaga! Sinasayang mo oras ko eh! Pag nalaman ko lang na nagsumbong ka na ako nag nagpaiyak sayo, malilintikan ka talaga sakin! Tumigil ka nga sa pag iyak mo! Feeling mo gaganda ka diyan? Pangit ka na nga, mas papangit ka pa." Asar niya nanaman.. Mas nakakadagdag lang siya sa problema ko eh!

"Wag ka ngang mang-asar! Di mo alam pinagdadaanan ko! Umalis ka na lang kung wala ka namang sasabihin na maganda! Kasi kahit anong paliwanang ko sayo...Never mong maiintindihan.."sigaw ko sakanya.. Sana di ko na lang siya nakilala.. Kasi dagdag pa yang Prince na yan sa mga problema ko!

"Alam mo ba yung worst feeling? Yun yung...Makita yung mahal mo....Na....May mahal na...Iba.."Ewan ko kung bakit ko yun nasabi kay Prince...Basta. Ang alam ko, kailangan ko ng makakausap kahit na...Walang kwentang kausap si Prince...

Mukhang di na ata kumikibo si Prince..Tss. Bahala siya.

Bigla ko na lang naramdaman na...

May pumalibot na....Mga braso sa katawan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.

N-Niyakap ako ni....Prince...
.
.
.
.
.
.
.
.
.

T-Totoo ba to?

Unbelievable.

"Sshh. Wag ka nang umiyak.. Andito lang ako..."

O_O

What?!

~~~♥~~~

Marrying the HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon