Aleah's POV
Tunganga.
Yan ako. Simula kaninang umaga, tunganga na lang ako. Ni di na nga ako nag breakfast eh.
Naaalala ko nanaman kasi yung nangyari kagabi. Nakakahiya. Nakakainis.
Aish. Naamin ko na sakanya. Pero, di pa rin naman magbabago ang lahat. eh. Bestfriend pa din ako.
Bumaba agad ako ng sasakyan at pumasok sa campus. Sana lang di ko makita si Stephen.
Pero, pagkapasok ko palang ng campus, parang may kakaiba.
Bakit ang daming hearts sa paligid? Anong meron?
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tiningnan ang petsa.
February 14. Valentine's day.
Ugh! Oo nga pala! Valentines na ngayon! Nakalimutan ko na..
Pero, di naman ganun ka importante tong araw na to eh. Wala naman akong boyfriend..
Ay! Meron nga pala! Si Prince! Eh ano namang aasahan mo dun? Di naman yun romantiko eh!
Ewan. Makapasok na nga lang sa room.
Palakad na ako papuntang classroom ng biglang may mag abot sakin ng isang red rose.
Eh? Para naman saan to?
Kinuha ko na lang ang rose at naglakad na ulit pero may nagbigay nanaman ng red rose.
Nasundan pa ito ng marami pang red roses.
Aish. Para ba san to?
Favorite ko nga ang red roses pero para naman san tong mga red roses na to?
Hanggang sa malapit na ako sa classroom..Naririnig ko ang tugtog ng gitara..
Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka..
Napatigil naman ako sa boses na yun..
Prince..
Pumasok na ako sa classroom at..Si Prince nga..
Wait. Totoo ba to?
Sino ba to, mukhang gago..
Hala! Lumilindol ba?
Bigla ko na lang naramdaman na inaalog alog ako.
Hala! Baka lumindol dahil sa boses ni Prince? Lagot na!
וו×
"Ma'am gising na po.."
Napamulat naman ang mga mata ko sa boses ni Manong.
Aish. Siya pala yung umaalog sakin eh!
Whew! Salamat naman at panaginip lang pala!
"Ay sorry po.."paumahin ko na lang at bumaba na ng sasakyan.
Nandito na pala kami sa school. Nakatulog pa ako.
Pumasok na ako ng campus at..Kakaiba..
May mga hearts sa paligid..
Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan ang petsa.
February 14. Valentine's day.
Huh? Valentines na pala? Aish! Nakalimutan ko na! Kakaisip ko kasi sa nangyari kagabi eh!
Wait. G-Ganito din yung nangyari sa panaginip ko diba? Hala! Baka nga haranahin ako ni Prince!
"Aahh!" napasigaw naman ako dahil sa humila sakin.
BINABASA MO ANG
Marrying the Hearthrob
Подростковая литератураMatutuloy pa ba ang kasal? "Marrying the Hearthrob" written by: -kookieness-